"hello, kamusta?" kataga na kay tagal kong hinintay kung hula mo'y ilang buwan sablay dahil taon ang hinintay ko upang makita sa loob ng kompyuter ko ang mga katagang "hello, kamusta?" at kung sa mas eksaktong sukat ay walong taon halos ka-edad ng batang marunong ng sumagot sa magulang may sariling aksyon at pagiisip at kung iisipin hindi sana tayo ganito kung sumagot tayo sa magulang natin dati o kung may karapatan na tayo dati kung mas inuna natin ang aksyon na gusto kaysa sa aksyon na mas nararapat sabagay hindi rin naman dapat sila sisihin dahil bata pa tayo noon mas bata tayo noon ng pitong taon ngayon sa 'yong "hello, kamusta?" ay natigilan ako kaya ka ba nagpaparamdam ay dahil kaya mo ng tumayo salungat sa gusto ng iba patungo sa mas gugustuhin mo o isa ulit itong pagsawsaw ng iyong paa sa rumaragasang damdamin ko kagaya ng ginawa mo pitong taon nang nakalipas nilubog ng kaunti ang iyong damdamin para lamang malaman na hindi lahat ng gusto mo ay pwede mo nang kunin at agad agad **** hinugot ang iyong pagtingin na para bang hindi din ako sumawsaw nagpaanod nalunod sa sakit ng rumaragasang tadhana na noo'y inakalang kayang suungin para lamang malaman ko na hindi ka pa pala handa ngayon sa 'yong "hello, kamusta?" isa ba itong tanda na handa ka na na kaya mo na panindigan ipaglaban magpaanod malunod sumuong ano mas masakit di 'ba na malamang mayroon na akong iba "hello, kamusta?"