Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 2016
Nandito nanaman ako
nagiisa, nangangarap
sa mga bagay
na hinding hindi ko
makukuha

Naliligaw pa siguro
ang tadhana
magdarasal na lang ba
kay bathala

Okay lang sa akin
na makita kang
masaya
masaya sa piling ng iba

Hindi kailanman
magiging ikaw at ako
Hindi kailanman
magkakaroon ng salitang
tayo
Hindi kailanman
Hindi....

Siguro kailangan **** masaktan
para malaman **** buhay ka pa
Kaya ito ako ngayon
tanggap na tanggap ko na

Alam kong mahal mo siya
at ako'y nagmamahal lang
Alam kong mahal mo siya
at ako'y kaibigan lang
Zed Rapadas
Written by
Zed Rapadas  Philippines
(Philippines)   
4.5k
     Lior Gavra and Kathy Ong
Please log in to view and add comments on poems