Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jedd Ong Aug 2014
We aren't very different.

Konkretong kahon ang tawag
Ko sa eskwelahan ninyo,
Na puro sikreto,
Silaw—dahil sa napakaputi
Ninyong mga balat, paa,
Malambot, makinis, na halos
Binasbasan
Ng mga kayumangging kerubin—
Ayaw basagin.

Sila, ang taga-tayo ng mga
Gusali ninyo, puro pawis.
Puro naka-long sleeve, ang
Init! Noo nila’y sunog,
Kumikilabot, kumaladkad,
Kilay itim sunggab ng
Araw.

Ngayon,
Nakikita ko sila—puro trabaho,
Balikat bumabagsak dahil sa
Bigat ng mortar, laryo,
Ulo baba-taas-yuko na parang
Kumakadang sa luad,
Tapak kasing bigat ng mga konkretong
Tipak—taga-buhat ng mga
Pintang maputla.
SORRY FOR THE GRAMMAR
Firefly Mar 2020
Para saan ang pagmulat ng aking mata
kung sa paningin ko ay tapos na.
Sa bawat pagpikit, ang tanging nakikita
ay ang katapusang matagal ng tinadhana.
Para saan ang pagbangon
kung sa problema'y di na makaahon
Sa isa pang yapak na aking gagawin,
Nawa'y bigat ng aking saloobin
tuluyan ng humupa
kasabay ng aking pagkawala
sa hawak ng mundo
na sa isip ko'y gumugulo.
Sa huling ngiting huhulma sa aking labi,
maalala sana na minsan akong lumaban at ninais magwagi.
Joseph Floreta Mar 2019
Tignan mo ang puno,
Kung sino pa ang naka tayo,
Sya pa ang walang bunga,
Tignan mo ang palayan ko,
Sino pa ang naka yuko,
Sya pa ang may pakinabang.
#Be Humble always
#Ang nagpapakababa ay Syang itataas

— The End —