Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bibigyan kita ng tula.
Hindi panghuhula...
kundi tula.
Hindi magiging napakahaba.
Hindi ka naman palabasa
para iyong mabasa
ang mga bagay-bagay
na sumasangay
kung ano ba talaga
ang tunay na halaga
ng tulang isusulat ko
para sa utak mo
na tuliro.
Sa mga nabasa kong libro
wala na sigurong mas magulo
kaysa sa iyo na kapag hindi mo
na nakuha ang iyong gusto
ay bigla-bigla ka nalang babato
ng mga salitang magpapaginhawa
sa iyo.
Pero tandaan mo
bago ka pa magbigay ng mga salita mo
ay marami na akong alam na salita
sa diksyonaryo na
sadyang binabasa
ko kasi umay ako sa mga salita
ng mga tao na paulit-ulit
at sadyang parikit nang parikit.
Hindi mo narin na
kailangang pagsabihang kumain na
sapagkat ako ay may isip
at hindi nagpapaihip
sa mga bagay na
dapat na ginagawa
ng taong may tamang isip.
Nako. Sentido kumon mo ay naihip.
Wala akong inaasahan na
pag-uusap na magaganap
dahil matagal ko nang tanggap
na tinuring na akong mapagpanggap
dahil lang sa desisyon
na ninanais ko lamang ng aksyon
dahil ayun ang magiging paraan
kung paano gagaan
ang mga bagay na
ninanais **** balikan.
Hindi na ako makapagbigay ng ****
na lubos na kasing laki ng dati
sapagkat hindi mo naman talaga
kayang isantabi ang iyong mga saya.
Tila nakakahiya naman
sa mga salita **** dapat na malaman
ko ba talaga kasi
mga payo ko ay dumaan lang sa labi.
Payo ko ay narinig at dumaan
pero lumabas lang sa isang lagusan.
Ako ay iyong narinig
gamit ang tainga **** mahilig
sa mga tunog na panbasag-pinggan
kaya ako ay hindi napakinggan.
Hindi rin naintindihan.
Naging gusto kita kahit
hindi naman kinakailangan.
Para sa utak **** tuliro.
Uulitin ko ulit para sa iyo.
Hindi na kita gusto
ayan ang kailangan na malaman mo.
Ibaon mo sa isip mo
katulad ng pagbaon mo
sa galit at sakit na ipinaglalaban mo
na nakakatulong sa iyo
na mapaginhawa ang pakiramdam mo
na sinasabi mo ngang hindi ko
man naisaalang-alang kasi
hinahakot ko lang ang mga kati
ng mga nakalipas na hapdi at kirot.
Ang pwede ko lang pala maramdaman
ay ang sarili kong kurot.
Pinapaligaya mo ako
pero hindi kita kailangan.
Hindi kita kailangan para
ibahagi sa mundo
kung gaano ako katalino.
Hindi kita kailangan para
ipakita ang mga halakhalak ko
sa maraming tao.
Hindi kita kailangan para
malaman ko na may
nakakaintindi sa akin.
Pasensya na
pero hindi kita kailangan.
Kung nirespeto mo lang ang naging desisyon ko na makakabuti naman din sa iyo, hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa iyo.
unnamed 7d
Naiisip ko toh kagabi na you deserve someone who knows how to make things up to you after hurting you, not someone who is just very good with the word SORRY at di ako yun, na mas better sakin booo, di moko deserve lagi ako nag ccause ng pain mo kahit ayoko pero nagagawa ko pa din. Ang toxic kona I even cause you to doubt yourself.

I know things haven't been easy lately, and I feel responsible sa mga nararamdaman mo I love you booo I do and seeing you hurt nasasaktan din ako for you there are things kase I do, that unintentionally upset you, I'm sorry if l've caused you pain palagi.

I'm sorry if I had to end everything between us, I didn't want to leave you. But i just couldn't risk losing you, yourself di kona kaya nakikita ka nahihirapan at nasasaktan  for the sake of maintaining the connection we had. And I want to see you achieve everything you told me before, even without me in your life. I hope you find someone whose Presence is enough to comfort you, care for you, and someone that can give/do everything for you. I wish you good health and continue doing the things you always wanted to do. We may not have ended up together like we promised, but I'm thankful for the memories we shared.

Saying goodbye to you pains me mahirap but I  have to. You're always in my heart, and it will always have a place for you. i love you so much take care always and see you when our stars collide ahhh ang sakit umay.

I'm trying my best naman to communicate with you booo and I'm trying to be better. I'm also feeling worn out from all the apologies and the weight of this situation.

kina kamusta kita, I want to make you feel na safe ka na may tao, laging naka suporta sayo
ung ganun ba boo, di ko alam ano nang-yayari satin pero baligtad ung nang yayari. Sorry kung kahit ilang beses na tayo nag talo dito. Di ko pa din ma-meet ung mga needs mo.

Alam mo na realize ko na I can't give you what you need kahit ano gawin ko booo and you know what, I think It's okay to let someone go if we realize we can't give them what they need kaysa mag suffer ka and to be honest sa lahat nangyayare sayo sa ginagawa mo sa sarili mo ung pag o-overthink mo, ung  umiiyak ka sa gabi, stresss ka, di ka din maka tulog.

You think okay ako knowing na ganyan ka booo I always prayed na sana mawala na anxieties and trauma mo booo sa past mo and sana maging masaya ka ayan lng gusto ko para sayo pero booo ako mismo mo ung nag ccause at binabalik lahat ng mga bagay na sabi ko na. Ayoko maranasan mo ulit and and feel bad about it.

Kahit mahal kita alam ko masasaktan ako pag ginawa ko toh pero mas okay na toh kesa makita kita ganyan puro stress at lagi nasasaktan. Ayoko maging selfish booo It's not your fault, and it doesn't mean you're a bad person.  Sometimes, the most loving thing to do is set each other free to find happiness elsewhere.

If someone stays in your life even though they know they're hurting you, boo, then their actions might not align with what's best for you.  It’s worth considering that their well-being might be prioritized over your own.
I love you and i hope you know that ✉️ ♡

— The End —