Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Mar 2019
Sa huling sandali na nag-aagaw hininga
Ang kaibigan kong hirap sa paghinga
Pilit na nagsalita sa aking tainga
"Paalam kaibigan ako na'y magpapahinga"

Butas ay pilit kong tinatakpan
Ngunit malubha ang kanyang tagiliran
At sa bawat sandaling hindi mapigilan
Kaibigan ko'y unti-unting binabawian

Nagpalinga-linga walang mahingian
Sigaw ay tulong pakiusap ko naman!
Nagbadyang tumayo ngunit kanyang pinigilan
Ako'y hihingi ng tulong. "Sandali, manatili ka na lang"

Pag dilat ng mata ay aking nasaksihan
Kaibigan ko'y nakahimlay na duguan
Lalaki'y kumaripas sa kawalan
At kami'y naiwan sa gitna ng daan

Sa kanto kami ay napadaan
Siyay bahagyang nasa aking unahan
Isang lalaking tumatakbo mula sa likuran
Sa isang iglap nalaho ang aking kamalayan
By: JGA
(Tip: Read from bottom to top)
lovestargirl May 2015
Kahit isang sulyap lang sa langit ay di na matanaw,
Daan-daang matatayog na konkretong kahon,
pati anino nito'y ako'y napapaligiran.

Tinatakpan ang malagintong sinag ng araw,
maging ang hanging sana'y magpapaypay sa nagiinit na siyudad ay natakpan na.

Nagbago na ang mundo.
Bago na naga ang mundo.
Pero nasaan na ang mundong kinalakihan at pinapangarap ko?

Nanabik sa malawak na langit
na noo'y tinitingala-tingala lang,
na kunwaring inaangkin ko ito, na akin ito.

Pero bago nga ngayon ang nakikita ko,
matatayog na konkretong kahon,
na humaharang sa tunay na paraiso.
tulad ng himig ng mga awit ng pag-ibig,
ang tamis at lambing ng mga ito.
kung may tinig ang pagmamahal,
maaaring ito ay boses mo.

bigla akong pinasaya,
ngunit bigla ring nagbago.
sapagkat parehong boses din
ang nagtapos sa ugnayang mayroon tayo.

ang tunog na noo’y nagbibigay-kalma,
ngayo’y iniipit ang pusong nagdurusa.
tinatakpan nang mahigpit ang mga tenga
kapag naririnig ang iyong musika.

ngunit kung ako ang papipiliin,
ayaw kong bumalik sa tahimik kong mundo.
at sa gitna ng ingay ng paligid,
sadyang boses mo pa rin ang hahanapin ko.

hirap sa pagtanggap
tungkol sa awit na nagtapos.
marinig lamang ang iyong pangalan,
ang hininga'y kinakapos.

nagsusumamo, nagmamakaawa,
magbigkas ka ng ilang salita.
hiling ng tenga at puso ko,
maari bang marinig ulit ang boses mo?
parinig ulit pt. 2
Sa unan ng gabi, lihim kong ibinulong,
Ang sigaw ng damdaming ayaw magpatulong.
Sa bawat pag-idlip, luha’y tinatago,
Itutulog ko na lang, ‘wag mo nang tanongin kung ano.

May agos ng init sa malamig na hininga,
Na pilit tinatakpan ng katahimikan nga.
Pikit ko’y panangga sa tanong ng mundo,
Kung bakit sa panaginip lang ako totoo.

Ang lungkot ay lihim, sa ngiti itinahi,
Habang puso’y bitin sa ‘di mo masabi.
At kung bukas, gisingin man ako ng araw,
Baka tulog pa rin itong pusong sawang mangarap ng ikaw.

— The End —