Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tagapaglingkod" poems
Naaawa ako saiyo, Binibini Karumaldumal ang pamamaslang na iyong sinapit Luha mo’y nagpaparamdam ng hapdi sa pag tulo nito sa iyong mga pisngi. Ginahasa ka ng sarili **** pinuno Minulestya ka at pinagsamantalahan Ibinenta ka sa banyaga na parang isang bayaring babaeng matatagpuan mo sa daan. Ninakawan ka ng sarili **** tagapaglingkod Binigyan mo na ng palay at lupain Ngunit ang hindi na para sakanila’y nagawa pang angkinin. Pamilya mo’y nagawa kang saksakin sa iyong likod Sa kanilang pananahimik at hindi pagkinig Sigaw **** “tulong”, sa lakas ika’y nawawalan na ng tinig; at Sa pananatili nilang pagpikit sa mga karumaldumal na katotohanang sa harapan nila’y nakahain. Ipagpaumanhin mo ang mamamayan mo, Binibini Tao mo’y masyadong nasilaw sa kayamanang iyong binahagi Pasensya ka na at sila ay naging makasarili Hindi nila inisip ang dulot nilang hinagpis. Binibini, Sa kahit anong gamot ang iyong ipahid sa mga sugat **** natamo Malinaw na hustisya ang sigaw ng puso at isipan mo Hustisyang malabo mo nang maabot Sapagkat tunay kang hindi inibig ng tao Kundi ginawa ka lang instrumento sa pagkamit ng kanilang makasariling plano.
0
Mar 15, 2019
Mar 15, 2019 at 8:25 AM UTC
BINIBINI
Lasapin ang bunga ng paghihirap Puso, isip at kaluluwa lang naman Ang iyong nilaan para ikaw ay bigyan ng kaunting sahuran. Kung minsan, napapagod Ay, madalas nga palang pagod Ang katawan man ay bumabagsak Gagaling ka rin at Itutuloy ang paghihirap Sabi ko noong bata pa ako "Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko. Pagka't gusto kong pagalingin ang bawat maysakit na tao." Hanggang sa nagpagtanto **** Habang lumalaki Ni hindi naman pagiging doktor ang gusto mo paglaki Ako ay sinanay upang maging alipin Upang siyudad ng sikat na Politiko ay yumaman sa aming kamay Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad Nalilipad-lipad at napunta sa "tagapaglingkod ninyong totoo, kami ay kasangga ninyo." Sabi nga ng ilan ay Buhay ay sadyang gulong ng palad Hindi ako naniniwala dahil, ikaw mismo na nabubuhay ang siya lamang makapagsasabi at makapagdidikta ng iyong kapalaran Nasa iyong kamay ang kasagutan Kaya pakilusin na ang mga paa Buksan ang iyong mga mata Pakinggan ng iyong mga tenga ang bawat hinaing Ito ay magbabago rin kung bawat katawan ay kikilos sabay-sabay muling galawin Tayo ang sagot sa hirap na dinaranas Tayo rin mismo ang makapagbabago Ng kung ano mang ang nakasanayan Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil Tayo lamang Tayo lamang ang pagbabago.
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 5:19 AM UTC
"Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko"
78 Bilang kaparusahan Sa kanilang kapalaluhan 79 Ang prinsipe’y bantay-sarado Sa mga kawal ng palasyo 80 Hindi siya tinulutan Na lumabas sa silid-tulugan 81 Si Sibo’y ikinulong Na animo’y mandarambong 82 Samantalang ang kawawang alipin ‘Di na sa palasyo papapasukin 83 Mula sa kawanihan Ng mga tagapaglingkod at utusan 84 Si Loria’y itinaboy At naging palaboy. -06/20/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:55 PM UTC
Siboloria 12 -Kaparusahan-