Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Mar 2016
Nakaw-Tingin


Nang masilayan ka,
Buhay ko ay sumigla.
Nang makilala ka,
Ngiti ko'y kakaiba.


Nang ika'y dumaan,
Sa aking harapan,
Ako'y nag-alinlangan,
Kung ika'y ngingitian.


Hindi ko maiwasan,
Na ika'y hangaan.
Sa iyong kagandahan,
Nagkakagusto ang kalalakihan.


Laman ka ng isipan,
Mukha mo'y napapanaginipan,
Sarili ko'y di maintindihan,
Damdamin ko'y naguguluhan.


Tinangka kitang lapitan,
Upang iyong malaman,
Na kita'y hinahangaan,
Gustong maging kaibigan.


Nang tayo'y magkaharap,
Wala akong mahagilap,
Hindi ko mahanap-hanap,
Ang salitang pangarap.


Nalimutan ko ang katapangan,
Naduwag ang aking kalooban,
Hindi ko na napanindigan,
Ang mga salitang binitawan.


Torpe na kung tawagin,
Kahit na ito'y nakaw-tingin,
Sa malayo ika'y napapansin,
Ako'y nagpapasalamat pa rin.
John Emil Aug 2018
Nagsimula sa wala
Unti-unting sumigla
Yumabong ng bigla
Na ‘di inaakala

Pilit na inaalis
Init at pawis
Puhunang labis
Lumaho ang hinagpis

Ngunit ito’y buhay
Sa nakapaligid na bagay
Nagbibigay kulay
Sa kanilang tunay

Ito ay sistema
Di maaalis basta-basta
Kaninu mang nilalang
Kahit bumago man ang inog ng daigdig

— The End —