Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sulatin" poems
The State of My Tagalog: Stuttering. Guess that's what you can call it. The insecure prose that curls downward On my notebook. It reeks of bit And piece And syllable. Singular Because language After language After language Enter my mind And slip it Just as quickly, Leaving only Fragments. Oh, the frustration As I ask For loose change From My sister cashier. I can't even ask for The right amount In Tagalog nowadays. "Singkwenta." "Bente." That adds up to 75, I think. Passing score on my Report card too. My self-graded Filipino class. Don't even know How I managed To spell "Ibarra," "Tanikala," "himagsikan," "Liwayway..." I'd sing and not spell, If they never caught At the bottom of my throat. ------------------------------------------- Ang Kalagayan ng Aking Tagalog: Nauutal. 'Yan ang pwede **** sabihin sa ‘kin. Walang tiwala sa sariling gawa, Patunong pababa ang mga salita Sa aking kwaderno. Ito’y sumisingaw ng piraso At bahagi At pantig. Nag-iisa Dahil wika Bawa’t wika Bawa’t wika Ay pumapasok sa aking kalooban At umaalis Ganun ding kabilis, Naiiwan ang mga Kaputol lamang nito. O, kay inip Habang ako’y humihingi Ng barya Kay Ateng Kahera. ‘Di ko nga kayang Humingi ng tamang halaga Sa wikang Pilipino ngayon. “Singkwenta.” “Bente.” Ito ay pitompu’t lima, ata. Pasang awa rin Sa aking report kard Sariling pagmamarka sa Filipino. ‘Di ko nga alam Kung paano 'kong Naisusulat ang “Ibarra.” "Tanikala," "himagsikan," "Liwayway…" Nais kong kantahin at huwag lang sulatin, Kung ‘di lang man silang sumasabit Sa ilalim ng aking lalamunan.
0
Sep 22, 2014
Sep 22, 2014 at 10:31 AM UTC
The State of My Tagalog (Dual Language)

Continue reading...
79
Apatnapu't limang minuto makalipas ang alas-dose. Umaga na naman -- umaga na naman pipikit ang mga mata kong kasingbigat na ng ulap na napuno ng tubig mula sa lupa at dagat. Mapungay at napapaluha dulot ng pasakit na hatid ng walang sawang sulatin, babasahin, at kung anu-ano pang mga dapat tapusin. Mga labi kong medyo nakabuka na marahil akala nila'y tapos na ang lahat ng gawain kaya namamahinga. At muli silang sasara, kasingbilis ng motorsiklong humaharurot sa labasan na parang nakikipagkarera, kapag naiisip na malayo pa ako sa pagtuldok sa katapusan. Tumatabingi na ang mundo. Ay, mali, ulo ko lang pala na napapahiga na sa aking kanang balikat tila may sariling isip at ginugusto nang humiga sa kama -- akala niya rin siguro'y matatapos na sa pagsusulat at pagbabasa ngunit sadyang nagkakamali siya. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tunog na ginagawa ng aking mga daliri na kay bagal nang bumaba para pindutin ang mga letra sa aking kompyuter. Suko na raw sila at nasasabik na silang muling mayakap ang malalambot na unan na nag-aantay sa kanila. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tunog na lang ng pagbagsak ng aking mga daliri sa bawat letra ng aking laptop ang pumapasok sa aking utak. Ilang minuto na nakatitig sa iisang pahina... Sa iisang talata... Sa iisang pangungusap... Sa iisang letra... Blag!
0
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 9:16 AM UTC
Antok Na Ako
Matuto ng Filipino! Magsimula sa Bahagi ng Pananalita Pag-aralan Panlapi, Ponolohiya, Morpolohiya Matuto ng Panitikang sariling atin Manaliksik, lumikha ng sariling sulatin Sa Idyoma at Tayutay pagpapahayag kulayan Magsalaysay, Maglarawan, Maglahad, Mangatwiran Maaliw, ma-engganyo sa ating mga epiko Dito mababatid malikhaing Pilipino Sariwain mga likha nina Balagtas at Rizal Salamin ng panahon, kapupulutan ng aral! -09/02/2016 (Dumarao) *GEN Poems
0
Sep 27, 2019
Sep 27, 2019 at 10:52 PM UTC
Matuto ng Filipino!
Ilang sulatin ba Ang kailangang gawin Upang bumalik ka sa akin? Andito sa malayo Nanghihingi ng payo Kung ako ba'y mas lalong lalayo Dahil sa sakit ako'y punong puno Pero heto ako ngayon Malapit na akong umuwi Upang masilayan ulit ang iyong ngiti Ang ngiting masaya Dahil sa kanya Okay na ko na okay ka Kahit kapiling mo'y iba. Luha man ay nasa gilid na Nang masakit kong mata Masaya akong masaya ka. #impromptu
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 3:01 AM UTC
#notitleyet
Sa isang saglit ako'y tila nasa ulap at pa lutang lutang habang ako'y dumadaan Sa gaan ng aking pakiramdam at sa munting ligayang di inaasahan Kahit sa isang maigsing sandali, ako'y puno ng buhay na tila bang lahat ng problema'y naglaho Sa isang saglit ako'y nakaramdam ng pagmamahal mula sa isang taong akala ko'y mapapaakin Ngunit ito'y isang panaginip na laging babagabag sa aking damdamin Isang saglit lamang ito Isang araw ay maglalaho na parang bula Hinding hindi kita mapapaakin Siguro hindi tayo itinakda ng tadhana Siguro hanggang dito na lang talaga tayo Hindi mo kayang ibigay ng buo ang pagmamahal na kailangan ko Hindi mo kayang pantayan ang pag-ibig na binibigay ko Buong puso ko nilaan sa lahat ng aking sulatin Sa lahat ng tula, pagkanta, pagsayaw Nandoon ang buong puso kong nagmamahal sayo Ngunit kahit anong pulit, hanggang dito na lang talaga Pero ayos lang iyon Kahit sa isang munting saglit naibuhos ko ang puso ko Kahit sa isang saglit naramdaman kong magmahal Walang bagay sa mundo ang kayang pumalit doon Ikaw ay nagsilbing ilaw sa mundo kong madilim Kahit walang pag-asa, lagi kitang tatanggapin Bukas ang aking kamay at puso para sayo Ngunit hindi na kitang kayang mahalin ng tulad ng dati Kailangan kong umusad sa aking panaginip Hinding hindi na maibabalik Salamat sa lahat ng pag-ibig na aking naramdaman Isa ka sa taong nasa puso ko lagi Siguro ito ay isang pagsara ng parte ng buhay ko Salamat sa lahat ng natutunan ko sayo
0
Jan 12, 2021
Jan 12, 2021 at 2:39 PM UTC
Sa Isang Saglit
BY; ELVIN ADO SINO Sino nga ba ako para ako sayo? Sino nga ba ako para mahalin mo? Sino nga ba ako para ipagsiksikan ang sarili sayo? Sino nga ba ako para ipilit ang sarili na mahalin moko? ANO Ano nga ba ako para sayo? Ano nga ba ako diyan sa buhay mo? Ano nga bang saysay ng mga sinasabi ko sayo? Ano pa ba ang gagawin ko para mapatunayan sayo na ikaw lang ang laman ng pusong to? Ilan lang ito sa mga tanong na nais kong itanong sayo, Mga tanong na paulit ulit sa magulong isipan na to, Mga tanong na sana'y mabigyang linaw para ang puso'y di na umasa pa sa isang tulad mo, Para matigil na ang katangahan at kabaliwang ito, Kaya napagtanto na sa pamamagitan na isang sulatin ilalahad ang mga ito, Sapagkat ayaw ko nang malaman mo, Malaman mo ang mga tinik ng dibdib ko na gsutong sabihin sayo, Kaya dito nalang ilalahad kasi wala namang tayo, at kailanman hindi magiging tayo, "KASI SINO AT ANO BA AKO SAYO ISANG HAMPAS LUPA NA HINAHANGAD ANG ISANG LANGIT NA TULAD MO"
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 6:05 AM UTC
"SINO AT ANO"