Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"salamangka" poems
#032816 Minsan, di ko wari ang pagkatha ng tula Ang salamangka ng inspirasyon, Saan nga ba mas mainam na hukayin? Mahuhugot ko ba ang mga tugma Sa nakaraan, ngayon o bukas? Hindi ako magiging malalim Na tila baga walang himpil na hangin. Hindi ako magiging makata, Sa puso **** minsa’y tila walang pandama. Magiging madamot ako sa salita, At sa paghihimay-himay ng mga kataga. Hindi ako gagamit ng pandiwa Na tila baga ngayon, pero pambukas pa pala. Mahal kita, simpleng mga salita Pero sa sobrang simple’y, nadarama mo pa kaya? Mahal kita, may tutugon ba? O marahil ang pag-ibig, mawalan din ng pagkukusa.
0
Mar 29, 2016
Mar 29, 2016 at 10:28 AM UTC
Torpeng Tula
gamit ang panulat kong lapis ang kwaderno ko'y untiunting numinipis ang kalyo sa kamay ay aking tiniis para lang maiparating itong ninanais ang alay kong tula ay di matatapos hanggat ang boses koy di magmaos sayo ibibigkas at iaalay ng lubos nang puso kong nahulog at sayo dumaosdos alam kong di pa kita lubusang kilala ang bagay na yun ay di na mahalaga nabulag agad sa nakakasilaw **** ganda Engkantada, ang kataohang di ko na pinuna bakit nga ba? bigla akong nanghusga minsan lang mapatinag sa kayumanggi **** mga mata napasailalim sa hiwaga ng 'yong salamangka wala ngang duda, Engkantada, balot ka ng mahika kung ilalarawan ay wala kang katulad aaminin kong isa ka sa aking hinahangad wag ka sanang mabagabag ni umilag kung sabay tayong malalaglag, di na ko papalag saan pa ba ang dapat kong pagmasdan kung may hihigit pa sa iyong larawan maganda na ang aking tinititigan basta ikaw lang ang nakaharang
0
Nov 3, 2018
Nov 3, 2018 at 2:34 AM UTC
Engkantada (Sharmaine)
Pag ibig Kanya-kanyang depinisyon Kanya-kanyang eksplinasyon Isang uri ng salamangka Na makakapagpapabago ng lahat Makapagbibigay ng dapat at sapat Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat Maghahangad ng iba Maghahanap ng ibang kasama Pero gayunpaman ay wag kalilimutan Na ang pag ibig ay pag ibig parin Kahit ito pa ay paiba-ibahin O kaya nama’y balibaliktarin Bawasan mo man o buuin Pag ibig parin Pag ibig Ito ang tuwa sa isang libo **** luha Isang porsyento sa ilang daang libo Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo Ito ang magtuturo sayo Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan Hindi bagay na dapat **** sukuan O kaya nama’y dapat **** kalimutan Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko Ang pagsulong sa bawat pag urong Ang simula sa bawat katapusan At ang katapusan sa bawat simula Dahil ang katapusan ay hindi masama Ito ang simbolo ng tagumpay Ang simula ng simula Pag ibig Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong Sa ano, bakit at paano Ang pupuno sa bawat kakulangan mo Pupunan ang pangangailangan mo Ito ang tulay sa bawat pagitan Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo Kahit na sino at kahit na ano Kahit na ano pa ang kasarian mo O kahit na ano pang kinabibilangan mo Sasagipin ka nito sa pagkalunod Sa pag iisa Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama O kaya nama’y kinalimutan ka na Yayakapin ka At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa Pag ibig Di ka nito huhusgahan Tatanggapin ka kahit ano ka man Dahil kailanman ay wala itong batayan Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap Pag unawa at walang halong pagpapanggap Ito ay puro at dalisay Hindi pinapahina ng panahon At sa halip ay lalo pang pinapatibay Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok Pag ibig Ito ang produkto ng konseptong positibo ng pluma at panulat Ng tuno at liriko Ng imahinasyon Ng respeto at pagpapahalaga Umibig at ibigin Sabihin kung ano ang laman ng damdamin Sayo, ano ang pag ibig?
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:50 PM UTC
Ano ba ang Pag-ibig ?

Continue reading...
73
072924 O kayraming pangarap na binuo — Binuno sa sariling salamangka. May ibang nagwawaging nakangiti, Habang ang ila’y nalalagas kamamadali. Nakamamangha nga sa umpisa Pagkat ito ang batayan ng karamihan Sa tinatawag nilang  “makapangyarihan.” Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik Bagamat sa mga sandaling iyo’y Gusto ko na lamang mapaos Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan. Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan. Ngunit sa patımpalak na ito’y Wala naman pala akong ibang kalaban Kundi ang sarılı kong anino, Ang kumunoy ng aking nakaraan. Madilim — Madilim ang paligid saanman ako dumako. May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag? Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko. Mahiwaga — Ganyan nila ituring ang mga alitaptap Na para bang may isang diwatang Umaaliw sa kanila, Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng Wala naman palang kabuluhan Kaya’t sabay-sabay silang mauubos Na parang mga paupos na kandaling Wala nang balak na sindihan pa. Sino nga ba? Sino nga ba ang aking susundan? Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan Nang mabaon na rin sa limot Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan. Tinatanong ko ang sarili Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan? Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito? Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari? At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag? Ako at ang kadiliman Ako at ang liwanag. Sino nga ba ang pamato? Sino nga ba ang tunay na kalaban? Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang, Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan. At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y Sigurado pa rin akong May liwanag pa rin sa aking sinusundan. Ikaw, Anong tantya mo? Makararating ka rin ba sa dulo? Ikaw, anong pasya mo? Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
0
Aug 13, 2024
Aug 13, 2024 at 8:53 AM UTC
Shadow and Knight

55
Siguro nga'y tayo lamang ang mga tao sa mundo, at ang mga ilaw sa daan ay disenyo lamang ng mga 'di nakikitang kamay, ang matamis na boses na nanggagaling sa kahon ay likha lamang ng ating mga isip, at ang mga katanungang pumupuno sa katahimikan ay guniguni na dulot ng magdamag. Ang puwang ba na pumapagitna ay tulay o dingding? Ang dilim ba'y bunga ng gabi o dahil pareho tayong nakapikit? Malabo ang lansangan sa likod ng salamin ngunit ngayon, sa bulang ito, lahat ay malinaw, totoo.
0
Dec 24, 2019
Dec 24, 2019 at 4:04 AM UTC
Salamangka
Lulan ng balangay ang pumpon ng bulaklak Ibibigay sa kanya Sadyang dinamihan para hindi kaya tumangan ang lahat Lohika ng pag-iirog ay malayo sa ekwasyon Maaliwalas ang alapaap Minsan ay mapupuna na nababalisa sa ibaba Ito'y taytay sa mahiang dako at sa malungkot na pandanggo Sinaunang tradisyon ng itong bayan Ang alay ay dote at paninilbihan Upang ipakita ang sinseridad Kahit di man paakyatin ng hagdan, magnilay-nilay sana sa durungawan Ang pagsinta ay naiiba Sa karurukan ng adhika ay yari Ang nanunuksong salamangka para sa tataw ay iwawaksi Di kayang magdesisyon sa tudlaan ng palaso Ruta na mula Silangan pakanluran Napapagod na ang loro Lumubog na ang balintataw dahil sa pinalaya ang pag-ibig Naging manhid sa aktwal na dula Ang pagganap ay isang pagpapahirap
0
Dec 28, 2018
Dec 28, 2018 at 6:14 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #35
Nasa ilalim, ng isang salamangkang Pag-ibig kaya?
0
May 7, 2018
May 7, 2018 at 9:01 PM UTC
Haiku 4 - Salamangka