Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinana" poems
Hindi mo ba napapansin itong aking lihim na pagtingin, Bakit parang sayo ako’y para lamang isang hangin? Ako ang iyong kasama ba’t sa iba ka nakatingin? Nasasaktan, nagdurogo itong puso't damdamin. Hindi ko man nasabi pero akin namang pinadama, Di mo ba nahalata o sadyang manhid ka lang talaga? Kailan ba magbubukas sa akin ang puso mo sinta? Ganunpaman maghihintay sayo kahit masakit na. Oo napakalaki kong tanga na inibig pa kita Kasi magkaibigan lang tayong dalawa dapat diba? Eh paano ko pipigilan, puso kong ni kupido’y pinana? Ito nga’t nakagawa ng tula, para sayo nagpapamakata.
0
Oct 2, 2017
Oct 2, 2017 at 10:00 PM UTC
Lihim kong Pagtingin
Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago Na para bang lagi akong tinutukso O bakit ka ganyan, binibini? Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan Para **** niyanig ang mundo kong tahimik Puso kong parang gustong muling umibig Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari? Mga bagay sa aking isipan na nawari Hanggang tingin nalang ba ako sayo Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido? Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot Unang hakbang ng puso mo'y maabot Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan Liligawan pati iyong mga magulang, Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang Sa Itsura man ako'y salat Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat
0
May 24, 2018
May 24, 2018 at 2:22 AM UTC
MARIKIT
Hindi ako naghahangad, Sapagkat ako’y iyong alagad, Sa pusong hindi mailakad, Kailan kaya mamumukadkad. Hindi pa rin makalilimot, Sa iyong mga bangungot, Tila’y kay hirap ang paglimot, Sa istorya nating busangot. Ako ma’y ‘di maalumana, Sa tanging lugar na pinana, Ni Kupidong madalas ay sablay, Na tanging hanap ay tunay.
0
Sep 2, 2015
Sep 2, 2015 at 8:59 AM UTC
PANAGHOY KO'Y IKAW.
Naging masaya ako ng dumating ka sa buhay ko Parati tayong magkausap lahat sinishare mo Mabilis na nagkasundo naging close pa nga tayo Masaya ako na sa work, ikay ang unang kaibigan ko. Pero ewan ko ba sa puso kong ito Sa tagal nating magkasama parang nahulog na sayo Kasi naman si kupido pinana pa tong puso ko Tuloy naguguluhan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko Gusto ko sanag ipagtapat tinatagong lihim ko Na ako’y talaga naming nahuhulog na sa’yo Ngunit paano ko sasabihin kung may iba ka nang gusto Masira masira lang pagkakaibigan nating nabuo Sana’y dumating ang panahong lumakas ang loob ko Nang masabi ko sayo itong nararamdaman ko Hahamakin ang COI at kahit ano pa mang hadlang Pagmamahal ko sayo masabi ko lamang.
0
Oct 5, 2017
Oct 5, 2017 at 5:40 AM UTC
Pusong Nag-aalangan
Nung ika'y aking nakita, pakiramdam para sayo ay wala, Ngunit di nagtagal, Naglaro si kupido at tadhana. Pinana ng pana ni kupido at binaluktot ni tadhana landas nating dalawa Isang araw, nakita kita sa isang tabi, ika'y nilapitan at pinangiti, Hnaggang isang gabi, Puso'y di mapigilan, sinigaw sayo Mahal kita, aking sinta! Nung naging tayo. Walang umangal ng kung ano, Hanggang sa dumating ang araw na tayo'y pinaglayo. Hindi kinaya ang pagkukulang, kaya winakasan, sapagkat sandata ng kalawakan, oras at distansiya ating kinakalaban. Bakit kailangan ganito? Pero anu pa bang magagawa ko? Huli na lahat, para ipaglaban ko, pag-ibig na binalewala ko. Kasalanan ko, Pagdurusang dinaranas ko.
0
Dec 6, 2017
Dec 6, 2017 at 4:34 AM UTC
KASALANAN KO