Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Aug 2017
ni Reagan A. Latumbo

Hindi man ako biniyayaan ng karangyaan,
O nakakain ng masasarap na pagkain sa hapag-kainan,
O nakabili at nakasuot ng magagarang kasuotan,
Kuntento naman ako sa lahat noong panahon ng aking kabataan.

Mahirap man ang buhay na aking pinagdaanan,
Milya man ang nilalakad ko noon marating lang ang paaralan,
Ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-abot ng aking pangarap kahit na nasaktan,
Tiniis ko ang lahat dahil Siya ay nariyan.

Kahit na pandinig ko ay unti-unti na ngayong nawawala sa akin,
Nariyan pa rin si Ama at ako ay hindi Niya pinababayaan.
Kaya kahit ako man ay may kapansanan,
Naibabahagi ko pa rin ang aking talento at kaalaman.

Sa mundong aking pinapasukan,
Sa trabahong aking iniingatan,
Kahit bingi man ay marami pa rin akong natutulungan.
Mga baguhang empleyado ay aking tinuturuan.

May kapansanan ka man o wala,
Ang pagtulong ay hindi dinadaan sa usap-usapan.
Ito ay kusang ginagawa at pinaninindigan,
Maraming tao ang lubos na masisiyahan kung tulong mo ay hindi ipinagkakait sa kanilang harapan.

Bingi ka man o bulag o kulang ka man ng kamay o paa,
May sakit ka man sa puso o namanang karamdaman o wala,
Kapag tulong ang hinihingi, 'wag kang mag-aatubiling ipagkait ito sa iba,
Dahil sa bandang huli, ang iyong kabutihan ay masusuklian Niya.
Joe Feb 2020
Naaalala ko yung mga panahon
na masasayang akong kasama kita.

Naaalala ko yung mga panahon
na malungkot ako at kasama kita.

Naaalala ko yung mga panahon
na wala akong makausap pero
nandyan ka. Tayong dalawa.

Naaalala ko yung mga panahon
na kahit saan ako magpunta
kasama kita.

Naaalala ko yung panahon
kung kailan una tayong nagkasama.

Naaalala ko yung mga panahon
na muntik ka nang mawala.

Naaalala ko yung mga panahon
na pinababayaan kita.

Naaalala ko yung mga panahon
na ako lang at wala ng iba.

Pero....

Lahat ng iyon ay alaala nalang pala.

— The End —