Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pasimula" poems
Di niyo ba alam na nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa? Na ang mundong ito'y Kanyang binigyan ng hugis at anyo gamit lamang ang mga salitang dumaan sa Kanyang bibig? Na nung sinabi Niyang, "Magkaroon ng liwanag!" Nagkaroon nga. Di niyo ba alam na kaya Niyang humarang sa agos ng dagat, ipaawit ang mga bituin, ipaluhod ang bulubundukin? Di niyo ba alam na ang kapangyarihan na ito, ang kapangyarihang ginamit Niya para ibuo ang mga planeta, ang kapangyarihang ginamit Niya para tigilan ang pag-akyat ng buwan nung lumalaban sina Joshua, ang kapangyarihang ginamit Niya para bigyan muli ng buhay ang yumao ay nasa atin din? Ito ang Kanyang pangako: Na tayo'y binigyan ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at ang lahat ng kapangyarihan ng ating kaaway Di niyo ba alam na may kapangyarihan sa pagsamba sa Kanya? Di niyo ba alam na nung ikapitong ikot sa ikapitong araw, mga trumpeta at boses ng Kanyang mga anak ang ginamit ng Diyos para ibagsak ang Jerico? Sumigaw na tayo sapagkat nasa atin na ang tagumpay Sumigaw na tayo sapagkat sa Kanyang pangalan ang pag-asa ng mundo sa Kanyang pangalan, lumiliwanag ang dilim sa Kanyang pangalan, lahat ng takot ay nadadaig Sambahin natin ang Panginoon ng buong galak ng buong puso nanginginig at mga demonyo sa pangalan ni Hesus tumutumba ang mga harang ng impyerno sa pangalan ni Hesus Tayo'y magkaisa, itaas ang mga kamay tayo'y magkaisa, itaas ang iyong boses gaya ng mga trumpeta tayo'y magkaisa Sambahin natin ang Diyos na buhay, ang Diyos na dakila!
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:56 AM UTC
Di Niyo Ba Alam

Continue reading...
63
Pabalik-balik ka Hahakbang nang pakaliwa , Hahakbang nang pakanan. Yapus-yapos ako ng aking kinahihimlayan Balakid nati'y salaming Bahagdan lamang ang kinalalagyan. Puti ang daan patungo sa iyong tuntungan Sumusulyap ka nga't Mensahe'y kusang tanong Tinipon at binahagi sa pagkatao. Malabo ang salamin sa harap Dito sa amin at sa kalye sa looban Kung saan dinudumog ito Ng mga kliyenteng Buht sa iba't ibang pintuan. Takipsilim na Tangan-tangan ko ang susi palabas Nang tumambad ka't Ilang metro lamang ang distansya. Nagtagpo ang pawang paningin Bagkus kailangan na ring pigilan ng sandali Nauna ka Pagbaba ko'y hindi na muling nasilayan Anumang aninag ng iyong lihim na pagkatao. Mayroong kumaway sa akin Isang pamilyar na tauhan sa sarili kong kwento Dati ko palang **** sa asignaturang Ekonomiks. Tinugon ko ang pagtawag niya sa akin Aba't ang oras ang huminto Ninakaw ng kanyang katabi Ang pagtingin buhat sa tumanggap ng pagtugon. Naroon ka, hawak ang manibela Ako'y nauupos na kandila Ako'y hinahanging saranggola Isang bulang hinihele ng musikang walang liriko. Hindi ako naging epektibo sa kausap Doon ang pasimula ng kwento Hihintayin ko ang muling pagsirit ng nanlilisik na araw At ang lahat ay kapwa Pausbong na ala ala na lamang.
0
Jul 3, 2014
Jul 3, 2014 at 7:12 AM UTC
Stairway to Your Heart
sa kasalakuyan, nakatapak tayo sa isang malawak na lupain at dinig ang mga martsang may ibubulong at aaminin. sa ilang minutong inilaan, ipapatunay na kahit sino ay 'di bawal mahalin.                    isa, dalawa, tatlo. ang laban ay pasimula na 'teka, 'wag muna... balik! balik! tumalikod ka! ano raw?               paulit-ulit na 'to, hindi pa raw handa balik! balik! tumalikod ka! utos ni heneral                                  sa unang mga kawal na sumilip galing sa bagyong mga mata na minana sa kalaban. balik! balik! tumalikod na!                                                        - ayon kay heneral luha
0
Sep 13, 2019
Sep 13, 2019 at 11:00 AM UTC
ayon kay