Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"panunuyo" poems
Di ko alam kung paano ko gagawin, Ako'y di mapakali, aking inaamin, Dahil ako'y kinakabahan, Mga ginagawa ko'y di mo magustuhan. Dahil ito lang aking makakaya, Sa kasamaang palad ito lang talaga, Itong aking mga kalatas at tula, Ito lang at wala nang iba. Damdamin ang naging panulat, Inspirasyon ang syang nagtulak, Musika ang sa aki'y umalalay, Sa katahimikan ng umagang walang kapantay. Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak, Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak, Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay, Upang mapasaya ka ng tunay. Kay rami nga ng aking naiisip, Mga "sana", parang panaginip, Inaasam, nais makamtan, Kahit yung man lang, mapagtagumpayan. Sana ikay napasaya ko, sana napangiti ka kahit papano, Sana naunawaan mo, Mga sanang tulad nito. Sana tanggapin mo, Sana paniwalaan mo, Sana pagpasensyahan mo, Sana, sana, sana, hay nako. Sana man lang naramdaman mo, Ang damdaming ikinubli ko, Sa mga salita ng aking tula, Na sana, sa puso mo'y tumama. Sana man lang ika'y aking naantig, Sana man lang ika'y aking napakilig, Sapagkat di kaya ng aking mga bibig, Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig. "sana" na higit sa aking pang-unawa, Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga", Ngunit iyo'y parang isang malayong tala, Hanggang tingin lang, mata ko lang ang nakakakita. Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba, Liniligawan na ba kita? Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo, Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto. Ako'y natatawa, Ang landi ba naman nitong binata, binatang naghahangad na sana, Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama. Ang pinapangarap nyang dalaga.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 8:56 PM UTC
Mga "Sana" sa alas dos y medya

Continue reading...
49
Di ko alam kung paano ko gagawin, Ako'y di mapakali, sa aking aaminin, Dahil ako'y kinakabahan, Mga ginagawa ko'y baka di mo magustuhan. Dahil ito lang aking makakaya, Sa kasamaang palad ito lang talaga, Itong aking mga kalatas at tula, Ito lang at wala nang iba. Damdamin ang naging panulat, Inspirasyon ang syang nagtulak, Musika ang sa aki'y umalalay, Sa katahimikan ng umagang walang kapantay. Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak, Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak, Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay, Upang mapasaya ka ng tunay. Kay rami nga ng aking naiisip, Mga "sana", parang panaginip, Inaasam, nais makamtan, Kahit yung man lang, mapagtagumpayan. Sana ikay napasaya ko, sana napangiti ka kahit papano, Sana naunawaan mo, Mga sanang tulad nito. Sana tanggapin mo, Sana paniwalaan mo, Sana pagpasensyahan mo, Sana, sana, sana, hay nako. Sana man lang naramdaman mo, Ang damdaming ikinubli ko, Sa mga salita ng aking tula, Na sana, sa puso mo'y tumama. Sana man lang ika'y aking naantig, Sana man lang ika'y aking napakilig, Sapagkat di kaya ng aking mga bibig, Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig. "sana" na higit sa aking pang-unawa, Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga", Ngunit iyo'y parang isang malayong tala, Hanggang tingin nalamang, mata ko lang ang nakakakita. Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba, Liniligawan na ba kita? Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo, Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto. Ako'y natatawa, Ang landi ba naman nitong binata, binatang naghahangad na sana, Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama. Ang pinapangarap nyang dalaga.
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 3:56 AM UTC
Mga nais sabihin sa isang dalagang nagngangalan diane

Ilang paglalarawan pa sa takipsilim para ikintal na nakayuko nang namimighati Bigyan sana nang malawak na karunungan para makapagpasya sa huling hapon at hapunan Paano isalaysay ang naganap kung ang sinta ay laging hanap Bihira kumain-nangangayayat Nauutal sa una at panapos na  pantig ng pangalan ng liyag Sa hindi inaasahan ang kamay niya'y hiningi ng binata na kakilala't nanligaw Ipinangalandakan ang kasikatan Lahat ng kayamanan ng Antigo ay kuyom ng kamay Hindi tubo sa lugar-isang dayo Magaling sa panunuyo, sanay makipagsalamuha sa kapwa-tao Batbat ng salapi ang anino Mabulaklak ang dila at minsan ay palabiro Ilang buwan pa ang inalis sa kalendaryo at nangyari nang biglaan Unang pagkakataon na nasilayan na nakabelo Saan ba tutungo?
0
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 7:41 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #39
Ayan ka na naman, Di ko alam ang iyong nararamdaman Parang dati lang, dadating ka, Tas aalis ka. Ang gulo diba? Di ko alam kung seryoso ka Di ko alam kung totoo pa. Teka ba kasi? Bakit ba ako? Tama na! medyo kabisado ko na to. Lahat nang sinabi mo dati pinaniwalaan ko. Lahat nang panunuyo mo, natuwa ako. Muntik na nga ako umoo Kahit alam kong nagbago ka na. Sorry, nahihirapahan parin akong paniwalaan ka. Di mo naman ako masisisi diba?
0
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 8:54 AM UTC
Teka Lang Naman
Itinadhanang magkasintahan sa bituin walang puwang Ang kapasyahan ng isa't isa ang tanging magdudugtong upang mabuo ang konstelasyon Kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon ng dayuhan Di magkatulad na kalendaryo Pebrero ba ang unang buwan? Unang pagtingin Pangako na ginagatungan ng tiwala Panghahawakan kung ano ang pinaniniwalaan maging ito'y kapalaluan man Ang simula ng panunuyo, paghintay ng kasagutan ay kapara ng bulaklak na sa unang tubo mahalimuyak Kung madaliin dahil sa nagaganyakan mabilis maupos ang umaalab na kapusukan Sapagkat iba ang nabigyan pagkatapos hiningi sa mga tinanggap na pawang biyaya Ganun din sa mga matiyaga gaya ng mga langgam Nagpapakahirap sa init ng araw at nagdanas ng kabagutan ng panahon bago nakamit ang kaginhawaan
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 8:11 AM UTC
Puso ng Pebrero II