Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagkabagot" poems
Ako lang ba? Yung laging nakakaramdam ng lungkot Lalo na ng pagkabagot? Oo, dapat lahat ng problemay ibaon sa limot Pero paano? Bawat taoy may problema Problema mo nalang kung pano mo maiiwasan ang nadarama Kailan kaya madadama Tunay na galak at kasiyahan Laging tanong sa isipan Anong dahilan ng ating kalungkutan Dahil ba may nais kalimutan? O nais matanggap at maintindihan Anong mang sagot sa tanong Problema nati'y hayaan Problema moy pabayaan Harapin ang problema ng makatamnan ang tunay na kasiyahan Maniwala at magtiwala sa Diyos Sa Panginoon makakatamnan ang kasiyahang lubos Lahat ng problema'y may dahilan Ito ay pagsubok lang kaya tatandaan Marami pang kabanata ang haharapin Pagkatao moy susukatin Kaya kung mamarapatin Maging malakas at mahandain Tatagtag at tibay ang gamitin.
0
Jan 16, 2019
Jan 16, 2019 at 7:57 PM UTC
Problema
ng dahil sa pagkabagot kami kami'y nagpang-abot kwentuhan bang walang imbot ngayon tuloy nauutot dahil sa joke na baluktot yan tuloy galit c kulot tanong kasi'y di masagot panay pa kasi ang hugot
0
Dec 29, 2015
Dec 29, 2015 at 7:53 AM UTC
Mga Kulot
kanina habang hinihigop ko ang kapeng mainit at hinihithit ang mapait na sigarilyo habang nakaupo sa may beranda ng aming opisina napanood ko kung paano sumayaw ang mga kawayan sa saliw ng malamig na hangan humahapay ito at humahalik sa beranda at nangingiliti ang luntiang mga dahon dito humahapon ang mga ibon at dito rin gumagapang ang dagang sugapa sa basura at tira-tirang ulam habang nag-aabang ang itim na pusa na saksakan ng tahimik sa sayaw ng kawayan sa awit ng hangin sa huni ng mga ibon sa labis na pagkadiri sa dagang nuknukan ng dugyot at sa tulong ng kape at sigarilyo pinalilipas ko ang nakakainis na pagkabagot.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:54 AM UTC
Untitled