Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagdamay" poems
Hindi ang mga tala ang magdidikta ng ating kinabukasan, Kundi ang mga puso na syang handang lumaban at manindigan-- Manindigan para sa mga bagay na hindi kayang hawakan ng ating mga palad. Hayaan **** maranasan ng iyong puso ang malumbay at mawalay Sa isang pamilyar na pakiramdam Nang maunawaan mo ang kahalagahan ng isang bagay-- Bagay na katangi-tangi at panghabambuhay. Hindi masusukat ng lahat ng mga bituin ang pagmamahal na kaya **** ialay;    Sa bawat minutong inilalaan mo para sa taong ito,    sa bawat text na kaagad ay nirereplyan mo,    Sa bawat araw na ninanais **** siya ang kasama mo,    Sa bawat pagkakataon na hindi mo pinapalagpas para siya ay makasama.                                                                                                    Oras.    Sa lahat ng pagkakataon na hindi ka nagreklamo sa pagiging late nya,    Sa lahat ng pagkakataong minahal mo siya sa kabila nang pagiging magulo nya,    Sa lahat ng pagkakataong ika’y natulugan sa telepono habang kausap mo siya dahil alam **** pagod sya,     Sa lahat ng lakad na hindi niya nasipot dahil kailangan pala niyang mag-aral.                                                                                                   Pag-Unawa.    Sa pananatili mo sa kanyang tabi kapag siya ay nalulumbay,    Sa pag alo mo sa kanya kapag siya’y nananangis,    Sa pagngiti mo at ng iyong puso sa sa tuwing siya’y masaya,    Sa pakikinig mo sa lahat ng kanyang hinanaing tuwing nagpupuyos ang kanyang damdamin.                                                                                                   Pagdamay. Higit sa mga rosas at tsokolate, Ipinakita mo ang iyong pagmamahal. Pinatunayan **** higit sa mga bagay na kayang hawakan ng ating palad, May iba pa palang paraan ang pagmamahal. Pagdamay. Pag-Unawa. Oras. Ilan lamang yan sa mga kayang magdikta nang ating pagmamahal. Kaya wag **** hayaang ang tadhana lamang ang magdikta nang inyong kinabukasan. Higit sa tadhana ang inyong pagmamahalan. Hindi kayo itinadhana lamang, / Pinili nyong magkatadhana. /
0
Mar 4, 2018
Mar 4, 2018 at 10:00 PM UTC
Tayo

Continue reading...
33
Sa sulok ng isipang dinadaluyong ng mga sanlibong sala-salabat na tanong may paanyaya kang pagdamay ang layon mula unang lagok, mainit ang pagsalubong. Maraming katanungang pumapatak sa diwa Tila ulang tikatik, ulang walang sawa Hindi lang ‘ano?’, ‘sino?’, o ‘saan?’ ang humiwa Puso’y sinugatan ng ‘paano?’, ‘bakit’ at ‘kailan kaya?’ Sa bawat pagsikat ng araw sa Malarayat sa Silangan Lulubog din ito tan’aw ang Maculot sa kinahapunan Tagumpay at sigla noong kapanahunan Mga bituing nawawala, pagsapit ng sangang-daan Kaya’t hindi dapat malasing, malango Sa naabot na rurok o kayamanang lumago Pagka’t batas ng Kalikasan ang siyang nagtuturo Na lahat ng ito sa malaon o madali’y maglalaho Pag-ibig na busilak, mananatiling buo.
0
Nov 19, 2018
Nov 19, 2018 at 3:48 AM UTC
Kapeng Barako VIII