Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
VJ BRIONES Dec 2015
balang-araw ay masasabi ko din sayo ang mga bagay na takot akong malaman ng iba
balang-araw ay magkakatitigan ang ating mga mata at may mararamdaman tayong kakaiba
balang-araw ay hahalikan kit sa labi  ng walang pagdududa at pagaalinlangan o pagdadalawang isip
mahal man kita o hindi
balangaraw ay aayusin ko ang wasak **** puso
balang-araw alam kong hihilain mo ako papalapit sayo at sasabihin ****
mahal na kita
kase yun yung nararamdaman ko ngayon
balang-araw ay maiisip **** pinaglalaban natin ang isat isa
balang-araw ay magiging tayo din
hindi ko alam kung kailan pero balang-araw
astroaquanaut Oct 2015
"bakit 'di mo pa binuhos ang lahat?" nagtatakang tanong sa akin ni inay. inutusan niya akong diligan ang alaga niyang santan sa bakuran. "nagtira ka pa. 'di naman na kailangan," at sabay niyang kinuha ang balde na naglalaman ng tubig na galing sa kanyang pinaglabhan. walang pagdadalawang-isip at bigla na lang niya itong itinapon sa sementadong daanan papunta sa aming bakuran.

sa malayang pagdaloy ng tubig, napaisip ako kung bakit ganoon na lang itapon ni inay ang tubig. pwede pa namang ipandilig iyon sa ibang halaman na nasa tabi-tabi. pero bakit hindi ko man lang din yun naisip na gawin? para nga naman hindi nasayang ang tubig. para may iba pang halaman na pwedeng makinabang at hindi ang walang buhay na sementadong daanan.

oo nga naman, ang tubig na galing sa labada ni inay ay marumi na. umitim at dumumi dahil sa pinaghalo-halong sabon at mantsa ng mga naiwang alaala sa damit. kung nakakapagsalita nga lang din naman ang halaman, hindi niya gugustuhin ang maruming tubig na galing sa labada ni inay.

pero hinuha lang naman ang lahat. paano kung ang mga halaman sa tabi-tabi, ay parang katulad lang din ng patubong santan na alaga ni inay...

nangangailangan
at sadyang nauuhaw.
Bluie Apr 2016
paminsan pangungusap
madalas tanong

paminsan nagmumula sa'yo
madalas nanggagaling sa'kin

paminsan kay hirap sabihin
madalas kay sarap pakinggan

paminsan binibitawan
ng may kasiguraduhan
madalas may kalakip
na pagdadalawang isip

paminsan may kahulugan
madalas hindi maintindihan

paminsan walang bakas ng kasinungalingan
madalas di mahagilap ang katotohanan

paminsan tapat at totoo
madalas hanggang panaginip na lamang
Kurtlopez Sep 2021
Maganda ka, walang pinipiling oras, araw at panahon. Kariktan mo'y patuloy sa pagkinang sa gitna ng kanilang mga alinlangan, matalim na mga tingin bitbit ang panghuhusgang natatakpan ng pagkabulag sa tunay na kahulugan ng kagandahan.

Mga katagang nararapat sa iyo, maganda ka! walang naman, minsan at dahilan. Tuwirang pagsambit ng maganda ka at walang pagdadalawang-isip, sa kabila ng iyong kulay, hugis, taas, tuwid, kinis at iba pang basehan ng gandang naglipana, na inaakalang tunay na depinisyon ng ganda.

Maganda ka, higit pa sa mga araw na pakiramdam mo ay may mali sa iyo at kulang ka.

Mas pinaganda ka ng iyong mga kakulangan, mas binigyan ng kulay at nadepina ang tunay na kahulugan ng ganda sa iyong mga mata, sa tuwing pinapaulanan ka ng kanilang mga salita'y hindi ka nagpatinag.

Maganda ka, dahil ikaw ay ikaw. Hindi sukatan ang paningin at bibig ng kung sino man.

— The End —