Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napaghandaan" poems
Noong una hindi ko namalayan, hindi ko pinansin ang iyong presensya Na mismong dahilan, para iyong kagandahay aking di masilayan Di nag tagal ikaw ay sakin pinakilala, ngunit ipina-walang bahala dahil ikay kasamahan lamang Hanggang sa tinakdang tayoy lubos na mag kakilala At binigyan ng pagkakataon bilang maging aking kaibigan Nang nasundan ay aking nasaksihan, ang simpleng ngiti mo pala'y tuluyang nakakahawa Ako ay sumasaya tuwing sa akiy nasisilayan, ang isang ngiti mo pala'y nag dudulot ng kaligayan Sa araw araw na ikay aking kasama, ako ay nagbibiro upang aking masilayan Ngiti **** kay ganda pati na iyong mga mata, hinahanap-hanap sa tuwing ikay aking nakakasalamuha Di ko napapansin na akoy unti-unting nabubuo at sumasaya, sa mga oras na ikay aking napapatawa Hanggang sa isang araw biglang napagtantong kulang ako, kung walang ikaw sa buhay ko Nang pinagtagpong muli, biglang nagpahayag ng aking saloobin Hindi man masyadong napaghandaan, hindi rin inaasahan ang kinalabasan Napaka-saya lang, na nag simula ang lahat sa simpleng pag kakaibigan Lumala at tumibay ang nararamdaman, dahil sa suporta at pang-aasar ng mga kaibigan Ngunit noon din natin napag pasyahan na tayoy isang ganap na, na magkasintahan Ipinagpapasalamat sa DYOS ang lahat ng kinahinatnan Sa umpisa inisip na nag bibiro lamang, pero habang tumatagal napagtanto na ito ay hindi panandalian lang Dumating ang panahon na parehas nabibigatan, pero sa huli pinili parin lumaban Hanggang ngayon pinipili pa rin buwagin, ang lahat ng pader na puno ng hindi magandang isipin Noon ko napagtanto, na ang mga hiniling sa panginoon ay binigay at pinagkatiwala na sa akin. Pangako hindi mo na sasambitin sa iyong sarili na ikay nakahandusay muli, sapagkat ako mismo at ang aking mga kamay ay mag sisilbing nakaalalay sayo hanggang huli Mahal ko (loves ko) gusto kitang batiin ng maligayan kaarawan, palaging **** tatadaan na akoy laging nasa iyong likuran Makakaasa ka na hindi ka na muling maiiwan, at mula ngayon ang tangi **** mararamdaman ay ang mamahalin ka ng walang kasawaan.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 3:25 PM UTC
A Gift

Continue reading...
25
Handa ako sa mga titig **** magpapabilis ng aking puso, Sa init na hatid ng mga yakap mo, Sa halik **** magpapatigil ng aking mundo, At sa mga masasayang ala-ala na tayo ang bubuo. Handa din ako sa mga araw na sasakit ang ating tiyan sa kakatawa, Sa mga gabi na aalagaan ka kapag nalasing ka, Sa mga panahon na kailangan natin ang isa’t-isa, At sa mga oras na bumibilis kapag ikaw ang kasama. Pinaghandaan ko din ang mga pagsubok na ating pagdadaanan, Ang mga di pagkakaintindihan at tampohan, Mga maliliit na bagay na ating pag-aawayan, At mga masasakit na salitang pwede nating mabitawan. Pinaghandaan ko lahat ngunit… Di ko napaghandaan ang paglamig ng iyong mga titig, Ang pagkawala ng sigla sa iyong mga ngiti, Ang pagdalang ng iyong lambing, At ang unti-unti **** paglayo saakin. Di ako handa sa tuloyan **** paglisan, Sa paglimot ng boses na nakasanayan, Sa pagtapos ng ating sinimulan, At sa mga ala-ala na hahayaang mabaon ng nakaraan. Sana una palang hinanda ko ang aking sarili, Sa posibilidad na ika’y di mananatili, Na hiram lang pala ang bawat sandali, At sa huli maiiwan lang din akong sawi.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:30 AM UTC
HANDA (tagalog)
"Pag-ibig ay darating sa'yo" sabi ng mga makata, Wari'y sa edad ko ang pag-ibig ay mahirap makita, Ilang beses nga bang kailangang sabihin? Talaga bang mapait ang dapat kong sapitin? Higit isang dekada na 'ko sa mundo ngunit ang pag-ibig ay 'di mahagilap, Ganito ba talaga ito kahirap? 'Di ko naisip na ito'y aabot pa sa ganito, 'Di ko napaghandaan at wari'y 'di napagtanto, Lingid sa aking kaalaman, Kaya 'di ko natandaan At mas lalong 'di ko napaghandaan, Ayaw na niya pala at matagal na niyang kinimkim, Ako'y nasugatan at nagdusa ng mataimtim, Sabi ni Inay: "Ba't ba wala kang dala? Ilang beses ko ba dapat sabihin na wag mo ng hahanapin ang wala?"
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 12:55 AM UTC
Wala
ano ang pinakamaling ipilit sa kalawakan? ang naisin ang paglaho ang pagkasabik sa destinasyon ang madaling paglisan mga maling kamay na kanlungan ilang beses na tayo nagbabakasakali sa 'di mabilang na pagpapasubali sa mga bahay na akala natin ay tahanan sa mga taong ilang beses napaghandaan sa mga _baka sakaling_ hindi tayo iiwan o ang _tiwalang_ hindi tayo lilisan mga ilang beses pa dapat umulit ang palabas? may magbibigay ba ng kasiguraduhan? dahil isa lang ang sigurado ngayon ang walang pag-aalinglangang pagod ang pagsuko ang sunod-sunod na pagkalunod ang ilang beses na pag-iyak sa walang katuturan mga walang katuturan, _dapat_ pinilit nating manatili bigyang sagot ang mga tanong sa nasirang haligi tignan mo ang mga bituin isa tayo sa kanila o ang mga bulalakaw, mga bato na pinagliyab ng damdamin tignan natin ang ganda mamaya na natin alamin ang kasinungalingan nila mamaya na natin pag-isipan na ang mga liwanag na ito'y nakaraan na pagmasdan natin ang ganda mamaya na natin pag-usapan ang pagkawala matapos ang pagbagsak 'wag na nating itatak sa mga munting isipan ang nagbabadyang katapusan dahil alam na natin ang kahihinatnan sa maling paglusob sa gyera ng kalawakan at ang pagsalungat sa mga propesiya na minarkahan hintayin na lang natin ang katapusan.
0
Feb 20, 2018
Feb 20, 2018 at 9:02 AM UTC
Untitled