Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
jeranne Mar 2017
Maraming tanong sa isip ko
At isa na doon kung meron bang tayo
Ngunit hindi mo ako pinapansin
Katulad ng iyong emosyon, mahirap basahin

Ngayon ay umaasa parin ako
Sa sinabi nila na gusto mo daw ako?
Ako'y kinilig at napatalon sa sobrang saya
Pero hindi ko maiwasan na mag isip kung meron nga ba?

Hindi ko alam kung nalaman mo na
Na ako'y may lihim na pagkagusto, hindi ba halata?
Siguro sa sobrang pagka-manhid mo
Hindi mo alam na may umaasang tao sayo

Hindi ko alam kung anong iyong pahiwatig
Lalo na ang mga nakakalusaw **** titig
At sa tuwing ika'y napa-padaan
Hindi ko mapigilang humanga at ika'y pagmasdan
okay ang waley ng ginawa ko ehehe
zee Aug 2019
ngayong gabi,
habang ika'y nasa'king tabi
hindi maikukubli na ako'y nabihag
ng iyong nakakalusaw na ngiti;
mga labi na labis kung makapangakit;
ang boses mo na tila bumubulong sa'kin
na ako'y manatili hanggang ang araw ay sumikat muli

at nang ika'y maalimpungatan,
muling nasilayan ang mapupungay
**** mga mata—
mata na tila tala sa kalangitan;
kita ang kinang at sayang nililihim
nang nalaman ako'y nanatili

"mahal kita"
mahina ngunit malambing **** sambit
nang ika'y pinatumba muli ng tama na 'yong tinamo habang iniinom lahat ng pait at sakit
habang pilit **** iginigiit na baka ikaw ang nagkulang at nakamali,
aking tinatanong sa sarili, bakit hindi mo makita ako'y nasa'yong tabi.

— The End —