Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jor Jul 2015
I.
Dati, may isa akong matalik na kaibigan,
Mabait s'ya at siguradong maasahan.
Halos ng bagay aming napagkakasunduan.
At alam kong ‘di n'ya ako iniiwan.

II.
Ngunit may kakaibang nangyari,
Pinagpalit n'ya ako sa isang lalaki.
Lalaking nagpatibok ng kanyang puso,
Kaya’t ang sarili ko'y dinistansya ko.

III.
Nagkaroon ng lamat ang aming pagkakaibigan
Madalas na kaming hindi nagpapansinan,
At madalas na rin kaming hindi nagkakaintindihan.
Anong nangyari sa amin? Anong nangyari sa'king kaibigan?

IV.
Siya'y masaya na sa kanyang kasintahan,
Habang ako'y tuluyan na n'yang iniwanan.
Nagpagpasyahan kong s'ya rin ay kalimutan,
At sa listahan ng aking kaibigan siya'y aking inekisan.

V.
Sinanay ko ang aking sarili,
Sinanay kong wala na s'ya sa buhay ko.
Sinanay kong wala na s'ya sa sistema ko.
Sinanay ko kasi alam kong mas makakabuti ito.

VI.
Maaaring kilala ko s'ya sa pangalan,
Pero ibang-iba na ang kanyang katauhan.
Kaya kayo, pumili kayo ng maaasahang kaibigan,
'Yung hindi kayo makakalimutan kailanman.
AQ Jul 2015
Ikaw...

Kung nababasa mo ito, ito'y para sayo.

Hindi ko na ito papahabain pa
Hindi ko na sasayangin oras mo
Marami nang panahon ang nasayang
Marami nang pagkakataon ang nawala
Matagal ko na ring tinatago ito
Matagal na kitang mahal
Oo ikaw nga
Oo ikaw na nagpatibok ng puso ko
Oo ikaw na pinasaya ako ng todo
Ikaw na dahilan ng pagsulat ko nito
Ikaw na dahilan din ng lahat ng sakit

Ikaw na...

Hindi alam ang lahat ng ito
Dahil ang alam mo lang ay

Ikaw na...

Kaibigan ni ako.
Taltoy May 2017
Nang ika'y naging aking kaibigan,
Di ko alam kung ano ang kahahantungan,
Di naisip ang mga maaaring mangyari,
Basta pagkausap kita, alo'y napapangiti.

Akala ko, puso ko'y manhid na,
Wala nang maramdaman ni isa,
Ikae mismo ang nagsabi sa'kin nyan,
Di madaling kalimutan ang nakaraan.

Heto na't aaminin ko na,
Sa'yo ako'y totoong nahalina,
Huwag mo sanang masamaing,
Sa lahat ng tao, sa'yo ako nahumaling,

Sa iyong mga katangian ako'y humanga,
Simple **** pagkatao, talagang nakakamangha,
Minsan sayo ako'y natutulala,
Di na alam paano magsalita.

Sa kasalukuyan, ika'y tunay kong hinahangaan,
Pagkat ako sayo'y nahulog nang tuluyan,
Wag ka sanang lumayo,
Buhat ng mga panunukso.

Ako parin naman ito,
Humahanga lamang sa'yo,
Di ko alam anong sasabihin ko,
Basta alam kong ikaw ang gusto ko.

Kung di ka naniniwala,
Abay mas mabuti nga,
Isawalangbahala,
Itong aking munting paghanga.

Ikaw, higit sa lahat,
Nagpatibok nitong puso ko, pagkat,
Ikaw at ikaw lamang,
Ang bubuo sa mundo kong kulang.
I made this months ago, I decided to post this because I found a copy in my wallet so why not.
Matias Feb 2018
Ikaw na laging nandiyan kapag madilim ang daan
Ikaw, ikaw ang laging tagapunas ng luha ko kapag ako'y nasasaktan
Ikaw, ikaw ang nagpatibok sa puso ko
Ikaw ang nagbago ng mundo kong paulitulit lang
na sawang sawa na sa buhay na nakatunganga lang

pumasok ako sa mundong ginagalawan mo
ngayon nagsisimula ang araw ko na didilat sa umaga
ikaw ang unang gusto makita
yayakap sayo ng mahigpit at hindi naghihintay na ibalik ang yakap na ginawa ko sayo

babangon tayo ng sabay
mula sa higaang matamlay
kakain ng agahan para malamnan ang kumakalam na tiyan
kumpleto na ang araw ko kahit ikaw lang ang kasama ko
komportable ako basta ikaw ang katabi ko
napapanatag ang loob ko kapag tumitingin ka sa mga mata ko
kahit wala kang sinasabi parang nangungusap yung mata mo

matatapos ang agahan at papasok ang tanghalian
hindi na kita kasama sa aking pagkain.
matatapos ang maraming oras
at ako ay naghihintay ng uwian
para muling masilayan ang mala-anghel **** mukha
mahagkan ka ng mahigpit na mahigpit at ikay mahalikan sa mukha.

Oo, matatapos na ang kwento,
matatapos na ang hapunan na kasama mo ako.
matatapos na ang minsa’y malamig at minsa’y mainit na gabi.
ikaw ay muling makakatabi,
sa isang silid na kung saan ikaw lang at ako
ang magkayakap hanggang matapos ang gabi

Maghihintay nanaman ng panibagong bukas
panibagong bukas ng pakiki-pagsapalaran sa magulong mundo na ikaw lang at ako.
sana tayo, hanggang sa dulo.
kingjay Jan 2019
At dagli na hinalikan
Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan
Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan
Ngunit huli na ang lahat
Magpapakasal na sa ibang lakan

Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan
Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo
na mag-aangkin ng kanyang puso
Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo

Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero
bago nakuha ang minimithi
Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri
Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari

Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa
Kahit masilip sa tuwi-tuwina
at maibulong ang pintuho sa reyna
Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga
Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa

Ang hinihingi'y ay ang pag-amin
Sa kanya na ang desisyon
Mag-iiba sana ang kapalaran
sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog
Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
Badud Oct 2017
Paano kung magkita tayo
Nang di naman natin pinaplano
Ano kayang sasabihin mo
O iiwasan mo ba ako

Paano kung magkunwari
Tumingin sa malayo at magkubli
Sa likod ng mga taong nagpapanggap
Sa likod ng mga matang naghahanap

Pero paano kung tawagin kita
Magugulat ka kaya
Kung marinig mo
Yung dating tawag ko sayo

Pero hindi pala ikaw yung nakita ko
Yan lang yung nabuo sa isip ko
Paano kung isang araw nakatayo ka na sa harap ko
Maririnig ko kayang muli yung mga salitang nagpatibok sa puso ko.
JD May 2018
Simula nung may minamahal kana
Iniwan ko na yang kataga
Nandito Ako, sana iyong maalala
Nandito lang ako pagnasasaktan kana sa kanya.

Simula ng umamin ako sayo
Hindi na ako umasapang pagmamahal ay ibabalik mo,
Dahil sabi mo nga sya ang iyong gusto
Sya na nagpatibok ng 'yong puso.

Sana palagi kang masaya
Pero once na malungkot ka
Andito lang ako para lungkot mo'y pawiin na
Kahit ako'y patuloy na umaasa.

Kahit sumasakit ang puso ko
Tuwing magkasama kayo
Patuloy parin akong iibig sayo
Hanggang sa maunawaan kong "Hindi talaga tayo"

— The End —