Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Sona-sonahan, madilim na naman.
Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo
Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko
Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?"*

Pag si Juan ang nagsalita,
Nag-aalitan ang madla.
Pag tikom ang bibig,
Siya'y bulag raw sa maralita.

Pag nilatag ang naplantsa,
Lalatiguhin ng administrasyon.
Pag walang plataporma,
Ihahagis sa bangin ng suhestisyon.

Kalaban pala nati'y ang sariling atin,
Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig
Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad
Mapait ang kapayapaan,
Dakila ma'y kanilang binabagsak din.

Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin
Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan
Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya
Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista.

Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil
Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan
Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan,
Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay.
Yuyuko na lang ang nasa langit
Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak --
Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid,
Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan.

May iilang nagtatanong,
May iilang walang pagtataka,
Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong
Kaya't iba na lang ang nakikinabang
Puspos sa distansya
Ng kamalian ng nakaraan.

Hugas-kamay ang iilan,
Simpleng hindi batian,
Wika nga ba ng pagkakalimutan?
Parang away-kalye, away-bata
Aso't pusa, sa lipunang
ang hepe'y sila-sila lang din.

Batu-bato pik, naglalaro ang iilan
Bukas tataya na naman sa lotto
At pag natalo'y iiyak na lang,
Bibigyan ng tsokolate,
Pangako para sa matamis na pag-iibigan
Ngunit balat lang pala,
Mapagbalatkayong himagsikan
Tapos, hahanap ng Darna
Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
Matias Jun 2018
Oo, papansin ako sayo
Pero hindi mo napapansin, na sayo lang ako nagpapapansin.
Oo, papansin ako sayo
Dahil ikaw lang yung gusto kong pansinin.
Oo, papansin ako sayo
pero hindi mo naman ako pinapansin
Oo, papansin ako sayo
pero hindi mo na napapansin sarili mo, na ngumingiti ka ng dahil sa’kin.
Oo, sumosobra na ako!
Sumusobra na ako sa pagpapapansin
Kasi gusto ko, mapansin mo din naman ako kahit isang beses lang.
Tanong ko lang?
Kailan mo kaya ako papansinin?
Kailan ko kaya mararanasan na lambingin din?
Oo, marahil ayaw mo sakin,
Siguro nga iba ka na
Iba na ang iyong gusto
Iba na yung taong gusto **** kasama
Iba na yung gusto **** bigyan ng pansin.
Pero kahit ganun, na ako lang yung nagpapapansin
At hindi mo din naman ako pinapansin
Hindi ako nanghihinayang,
Kasi naging masaya ako, naging masaya ka din
Naging masaya tayong dalawa
Kahit hindi mo na ako pinapansin.
Salamat sa mga pagbabasa at pakikinig mo sa mga walang kwentang storya ko.
Je t’aime

— The End —