Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Oct 2018
Heto na naman ako... nalulungkot,
nanamlay kasi malapit na ang iyong paglisan.
Paglisan na alam kong ikaw ay babalik din naman
sa mga araw na kailangan kong magbilang hanggang sa itinakda **** oras at tagpuan.

Hindi pa man tayo nagkikita
pero ramdam ng puso ko kung gaano mo ako pinasaya
sa maikling panahong nagpalitan tayo ng mensahe sa cellphone
lahat nang iyon sa aking isipan ay magiging isang alaala.

Alaalang tatatak, alaalang hindi kakalimutan,
nakakatawa man o masakit ang mga salitang iyong binitiwan,
may kaunting kirot man o tampuhan,
lahat ay babalewalain ko na lang pagkat ako'y sabik araw na dumaan.

Salamat sa ilang buwan, kapatid.
Salamat sa mga araw na ikaw at ako ay nagkukuwentuhan.
Salamat sa mga gabing minsan lamang kung dumaan.
At maraming salamat sa mga ngiting nagbigay sa akin ng saya sa napakalungkot kong buhay sa kasalukuyan.
Meynard Ilagan Feb 2020
Dumating na ang araw na kailangan na nating magpaalam sa isa't isa
Na bukas pagmulat ng mata ay di na kita masisilayan.
Yung ngiting sa pagbukas nito ikaw agad ang makikita.
Ayaw ko na ring isipin na ang landas kong tatahakin ay iba ng sa iyo, sapagkat sa lahat ang pinakamasakit ay umasa.
Sana kung dumating ang araw na muli kitang makita ay matandaan **** minsan sa iisang bayan tayo ay naghuntahan.
Tinawanan natin ang maraming bagay at nagpalitan tayo ng kwento ng buhay.
Noong panahong naiinitan ay sumilong tayo sa kubong bahay-bahayan.
Naglalakad tayo ng magkasabay habang ang puso'y mabilis na tumitibok.
Pusong di alam kung bibitaw o mananatili na lang.
Ngunit, kailangan nating maghiwalay at magpaalam.
Unti-unti dumulas ang malambot **** kamay sa akin.
Kasabay ng patak ng iyong luhang lalong nagpasakit sa damdamin.
Hanggang sa muli.
Paalam.
pauline Jul 2019
Simula pa lang alam kong ako ay talo
Tumuloy pa din dahil sa tigas ng ulo
Sinunod ang puso at nagpadala sa agos
Hinayaang  malunod sa tamis ng sandali

Isang araw nagising ako sa aking mga luha
Naalalang kahapon pala natapos ang lahat
Mga paa natin ay humakbang sa magka-ibang direksyon
Lumingon at tinanaw ang anino **** lumalakad palayo

Ang dulo ng iyong daan ay sa kanya patungo
Sa simula pa lang ay sya na ang iyong dulo
Ang tayo ay sandaling hintuan lamang
Kung saan nagpalitan ng masasayang tawanan

Ang katotohanang hindi natin tinakasan,
Walang dapat palayain dahil kahit kailan hindi ka naging akin
At ngayon ito na ang ating realidad
Hanggang dito na lang at hindi na pwedeng dugtungan.
Jessa Asha May 2018
Tandang tanda ko pa, ang mga alaala kung saan una tayong nagkita,
mga panahong una tayong nagkakilala, nagkausap at
nagpalitan nang mga ngiti, ng mga kumikislap na mga mata.

— The End —