Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oo
071816 #3:55PM

Kung pipitas ka ng tatlong rosas,
Kung susulat ka ng tula,
Kung harana ay siyang pagsuyo,
Oo.

Kung makapaghihintay ka
Sa tila kalsadang pinintahan ng pula,
Habang ako'y may paanyaya,
Oo.

Oo ang sagot sa mga tanong na naantala,
Oo ang sagot sa pusong hindi pa nagkukusa.
At oo ang pamagat sa tulang tila walang panimula.
Oo, pagkat mahal kita.
091716

Nanghinayang ka kaya inayos mo;
Pinilit mo kahit hindi pinili ni Tatay.
Inayos mo nang sarili **** lakas,
Kaya napagod ka; eh lalong nasira.
Hindi ka naman eksperto dyan,
Kaya wag kang magmagaling na alam mo.

Hindi porket sanay ka ay okay na yun.
Hindi naman pinapaayos sayo,
Sinabi ba ni Tatay na gawin mo?
Oo, tamang nagkukusa ka
Pero di lahat ng pagkukusa nakabubuti.

Ilang beses ka bang pasasalo kay Tatay?
Hindi ka ba napapagod?
Kasi kung ako lang, awang-awa na ko sayo.
Pusa May 2020
Muling pag balik ng yakap **** kay lamig
Puno ng pangungulila,
At pagdadalamhati

Sabay sa pag agos sa luhang nasayang
Pilit nilalabas pero siya'y nagkukusa

— The End —