Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
leeannejjang Oct 2017
Isang tahimik na panalangin.
Habang ang mundo’y nagkakagulo.
Hinahanap ang paraiso
Sa lugar na puno ng mga armado.

Maaari bang ako’y sagipin?
Sa madilim na kwartong akin kinaroroonan.
Tunog ng baril at wala humpay na pagsabog ang akin hele sa gabing malalim.

Nasan si inay?
Nasan si itay?
Ang katawan nila ay kasing lamig ng yelo.
Hindi na sila nagsasalita.
Hindi na sila gumagalaw.
Tulog na ba sila?

Maaari bang ako’y sagipin?
Sa bangungot na sa akin ay kumakain.
Sana sa akin pagising isa maliwanag na kinabukasan
Ang sumalubong sa akin.
sulat dito, sulat doon,
inaalala ang pait ng kahapon.
mga gusot na papel sa ibabaw ng mesa,
iniiyak ang bigat ng dibdib sa mga letra.

nagpupuno ang mga salitang nagkakagulo,
kahit isang mensahe lamang ang nais iparating nito.
dudukutin sa isip lahat ng natitirang alaala,
hanggang ang lahat ng pag-ibig ko’y mawala na.

hindi pansin ang nangangalay na kamay,
pinapagod ang damdaming taglay.
sulat nang sulat gamit ang tintang paubos,
hanggang sa ang hinagpis ng puso'y matapos.

sa aking pagsulat ng huling salita,
at sa huling pagpatak ng aking tinta,
iiwan sa papel lahat ng poot at sakit,
kakalas sa plumang mahigpit ang pagkapit.
my last act of love, i think...

— The End —