Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
CA Norebus Oct 2017
Hindi mo ba napapansin itong aking lihim na pagtingin,
Bakit parang sayo ako’y para lamang isang hangin?
Ako ang iyong kasama ba’t sa iba ka nakatingin?
Nasasaktan, nagdurogo itong puso't damdamin.

Hindi ko man nasabi pero akin namang pinadama,
Di mo ba nahalata o sadyang manhid ka lang talaga?
Kailan ba magbubukas sa akin ang puso mo sinta?
Ganunpaman maghihintay sayo kahit masakit na.

Oo napakalaki kong tanga na inibig pa kita
Kasi magkaibigan lang tayong dalawa dapat diba?
Eh paano ko pipigilan, puso kong ni kupido’y pinana?
Ito nga’t nakagawa ng tula, para sayo nagpapamakata.
I'll try to send poems that are related to each other as soon as I can. I'm just starting so there are a lot to improve. Hope you'll like it
Pusang Tahimik Mar 2020
Dumating akong hindi inaasahan ng iba
Maging anino man ay hindi makita ng mata
Ako ay mapamuksa sa kanila
At aagaw sa buhay ng mahal nila

Bakit nga ba ako naparito
Maging ako ay nalilito
Kasalanan ko ba na maging bunga ninyo
At ako'y pinapatay uli ninyo?

Marami akong gugutumin
Marami akong papatayin
Marami akong paaminin
Kung sino ang sakim!

Maraming lalabas ang kulay
Uunahin ang sariling buhay
Pababayaang mamatay
Ang walang sariling bahay

Gusto ko sa matatao
Sa matitigas na ulo
Dun sa mga nag chichismisan sa dulo
Na puro kuro-kuro

Ganyan ang mga tao
Sa gitna ng delubyo
Mahilig silang magtalo-talo
HAHAHA ako ang panalo!

Ngunit hindi naman lahat at mayroon ding nagpapagal
At ipanalangin na ako'y hindi na nga magtatagal
Ginagamot ko lang ang daigdig ng kaytagal
Nang nagdurogo sa kamay ng mga hangal

-JGA

— The End —