Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"murahin" poems
Kaibigan 'yan ang tingin mo sa akin, Kailanman di mo ako kayang mahalin. Di ko ninais Boom panes Sa samahan na nabuo natin, ako'y nabihag mo, Subalit di mo naman sinabi na ito'y isang malaking laro. Iniisip ng iba meron tayong relasyon, Ang hindi nila alam ito'y isang ilusyon. Umasa ako ng "tayo", Ngunit ako'y nasaktan lamang, Sapagka't ikaw ay may kasintahan. Di kita masisisi kung iba ang iyong pinili, Dahil maski ako di pipiliin ang sarili. Sa mga sinabi mo, ako'y naniwala, Kahit na may iba akong hinala. Ganun pa man, ako'y nagtiwala; ngunit ito'y iyong sinira. Di ko alam kung saan magsisimula, Dahil ang puso ko ay wasak na wasak na. Akala ko iba ka, Yun pala katulad ka lang nila. Akala ko noon ikaw ay maginoo, Yun pala ay isang loko loko. Pinagmalaki kita dahil sa iyong mabuting puso, Di inaasahan na ako ay maloloko. Ako'y nanghihinayang, Pero para sayo balewala lang. Ganyan ka ba kamanhid, Di mapansin na ako'y nasasamid, Tuwing nakikita kayo sa paligid. Masakit na makita kayong dalawa, Pero wala na akong magagawa, Dahil masaya ka na sa piling nya. Gusto ko ilabas ang nararamdaman ko, Pero ayokong makita mo na ako ay apektado. Gusto ko magreklamo, gusto kita murahin, Pero biglang napaisip, ito pala'y isang sariling katangahan.
0
Mar 3, 2016
Mar 3, 2016 at 9:36 PM UTC
unknown (tagalog)
Gusto kitang murahin at Isumpa! Ngunit bakit hindi ko magawa… Gusto kitang halikan at ankinin! Pero ang puso mo’y sa iba nakabalin… Ayaw kong mawala ka… Pero doon ka masay! Ayaw kong makalimot… Pero hindi ako maramot! Gago ako at tarantado! Ipinagmamalaki kong maging ganito! Pero mahal kita nang todo-todo… At oo sobrang baliw ako sa’yo… Pasensya na mahal ka ng puso ko… At hindi na po ito magbabago…
0
Mar 8, 2011
Mar 8, 2011 at 4:39 AM UTC
Pag-ibig At Galit (love and anger)
murahin mo ako aking kaibigan gisingin mo ako mula sa kahibangan higit mo pang lakasan at huwag tigilan pigilan mo ang lamig ng tagulan ang daplis ng suntok mo'y mainit ngunit kulang pa sa lakas upang ako'y magising sa sumunod **** sipa ako'y namilipit naalimpungatan lang ako sa iyong pagpilit ihampas mo na lang ako sa lupa para cool
0
Jul 27, 2011
Jul 27, 2011 at 7:33 AM UTC
Ihampas mo ako sa lupa