Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"marangyang" poems
Malamig ang hangin , kumukulog Mga taong tulog sa pagilid aking napapansin Malalakas pa naman sila dati pero napagod nadin Dating masasama ang motibo , naliwanagan ng positibo Simula pagkabata trato sayo hindi makatao Marangyang pamumuhay noon , isa na lamang litrato Naalala ko pa nga ang boses na galit at imahe nito Ako'y inis na inis subalit mali ang pagsagot ng apo Madalas ako mapagalitan siguro matigas nga ang aking ulo Kung dati madalas ko silang marinig sa mundong ito Ngayon tila isang panahon na lamang ang pagpaparamdam nito Lagi nalang silang nagpapahinga para matagal pa namin silang makasama
0
May 28, 2018
May 28, 2018 at 12:36 PM UTC
Ninuno
Magarbong pagkain…wala sa hanap ko Mamahaling damit…wala sa tipo ko Marangyang bahay…wala sa plano ko Magarang sasakyan…wala sa kailangan ko Maluhong kagamitan…wala sa hilig ko Mariwasang pamumuhay…wala sa ibig ko Ang nais ko lang ay ihandog sa mundo Isang natatanging Legasiya ng Lahi ko! -07/17/2015 (Dumarao) *My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:23 PM UTC
Legasiya ng Lahi Ko
Marami man tumututol, Ngunit ‘di ‘to mapuputol. Marangyang buhay iiwan, Sa hirap ay sasamahan. Sarili’y wag hahamakin, Ikaw ang Nag-buo sakin. Handa kitang ipaglaban, Hanggang saking kamatayan. Mahal, bakit mo sinalo?, Balang tatama sa’king puso. ‘Diba ikaw ay nangako, Pagtanda mo’y kasama ko?. Hanggang sa kabilang buhay, Pag-ibig di mamamatay. Ikaw ay aking susundan, Muli ka lamang mahagkan.
0
Jun 26, 2020
Jun 26, 2020 at 6:48 PM UTC
Infinite love