Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maliwanagan" poems
Mahal Salamat, salamat sa mga araw na nakasama kita Salamat sa mga araw na naramdaman kong ako'y mahalaga Salamat sa mga araw na ako'y iyong napasaya Salamat dahil binigyan ako ng pagkakataon na makilala ka Mahal Alam kong hindi ako, yung taong makapag-wawasto sa'yo. Alam kong hindi sapat, ang mga bagay na nagawa ko Alam kong kailanman, hindi magkakaroon ng tayo Alam kong mali ako, masyado akong umasa sa mga salita mo Mahal Patawad kung umabot na sa puntong napagod na 'ko Patawad kung hindi ko na tinuloy ang paglaban at bumitaw na 'ko Patawad kung masyado akong naging mapaghangad sa pagmamahal mo. Patawad kung ika'y laging mali sa paningin ko. Mahal Sana lagi **** tatandaan, kung paano kita minahal. Sana lagi **** ingatan ang 'yong sarili, san man magpunta Sana sa mga panahong wala ako, ika'y maliwanagan na. Sana sa susunod na babaeng darating sa buhay mo, iyong pahalagahan na. Mahal Huwag kang mag-alala, kahit gaano pa man karami ang sakit na aking nadama Lagi ko parin ipagdarasal na sana ika'y maging masaya. Hindi ka pa man humihingi ng patawad, napatawad na kita Sa lahat ng aking pagsisikap na iyong binalewala. Mahal Wala akong ibang hihilingin sa maykapal kundi ang 'yong kaligtasan Wala akong ibang hahangarin kundi ika'y matauhan na Mahal na mahal kita, higit pa sa sobra. Mahal na mahal kita, pero siguro tama na.
0
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 7:07 AM UTC
MAHAL
I. Nakilala ka dahil sa isang kaibigan, Di nagtagal, tayo'y nagkamabutihan. Walang araw na hindi nagkakausap, Tuwing nagmemensahe ka ako'y parang nasa ulap. II. Nakilala pa natin ang isa't-isa. Tandang-tanda ko pa nung una tayong magkita, Hindi ko maalis sayo aking mga mata, Pero ramdam ko ika'y sakin ay ilang pa. III. Unang larawan na tayo'y magkasama, Proud na proud ko pang ipinakita sa tropa. Ako na ata ang pinaka-masaya nung araw na 'yun, Dinarasal na sana parati nalang ganun. III. Nagpatuloy ang ating palitan ng matatamis na salita, Pero kada-araw na lumilipas na araw, tila ika'y nanlalamig ata. Hinayaan ko, kahit na hulog na hulog na ako sa'yo. Sabi ko sa sarili ko: "Wala kang karapatan mag-tampo dahil di naman kayo." IV. Nagsawa na ako sa ganoong estado kaya't nagtanong ako ulit: "Ano ba ang meron tayo? Kasi mahal kita, eh ako ba?" Hindi ka umimik, nagpumilit kang ibahin ang usapan. Tinanong ko ulit ang aking sarili kung; "Itutuloy ko pa ba ang laban?" V. "Hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin." Ang ganda ng umaga ito, tapos ganito ang bungad mo? "Bakit ano ang dahilan, gusto kong maliwanagan?" Tanong ko. "Gusto na niya makipagbalikan. Patawarin mo ako." VI. Halos gumuho ang mundo ko sa nabasa ko. Para akong natutulog ng mahimbing, tapos binuhusan ng yelo. Alam ko namang hahantong sa ganito, Buti na lamang handa ako, pero di ko akalain bakit sa araw pa na 'to? VII. Masyado akong nagpadala sa mga ngiti mo, Hinahanap-hanap ko pa presensya mo, Hulog na hulog na ako, kasi akala ko kaya mo ako. May kalakihan ako, pero sana nagsabi kang hindi mo ako kayang masalo. VIII. Ikaw ang bumuo sa mga araw ko, Pero ikaw rin pala ang wawasak nito. Lumaban ako--kasi akala ko kaya mo rin akong ipaglaban, Pero mas piniling **** balikan yung taong minsan ka nang iniwan.
0
May 10, 2016
May 10, 2016 at 10:14 PM UTC
Pa-Fall

Continue reading...
45
Katulad ko, ang tao’y sadyang mapaglinlang kung minsan Hindi lubos maisip na kayang gawin ng sino man Sa mga nagtitiwala sa iyong karunungan At ito’y maging sanhi ng sugat sa munting tahanan. Ang mga nakapaligid ay apektado rin naman Ngunit hindi kailanman na mas binibigyang-pansin Ang mga mapanglait at mapanghusgang katauhan Kaysa hinagpis ng mga nagmamahal na magulang. Ako di’y nasasaktan sa kanilang pagdaramdam Salitang binitiwan ng mga taong malapit man Ang lakas ng loob ay unti-unting napapawi rin ‘Tsaka mag-isang nagkukubli sa loob ng tirahan. Hirap mang unawain aking naging karanasan Hirap ding tamuhin na ika’y kanilang tanggihan Bunga ng kasalanan ay buong-pusong tanggapin Akin ring susuurin kung ano man ang nailaan. Natitirang lakas at tapang ay aking gagamitin Tuloy pa rin ang laban sa likod ng kabiguan Hanggang masalimuot na pangyayari’y maliwanagan Namnamin pati ang nalalabi pang kasiyahan. Taos-puso kong panalangin sa iyo, Panginoon Na ipagkaloob ang hinihinging kapatawaran, Ipinagdadasal ko ang minimithing kapayapaan At ipagdiwang ang dalisay na bagong kabuhayan.
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 10:16 PM UTC
Isang Yugto Ng Buhay
Malamig ka na... Araw-araw nag pag iisip umaga, hapon, gabi di ko masabi dilim saaking isip at sa puso. Abuso sa kabaitan pag lapastangan sa aking kabaitan, di ko maisip kung bakit isang araw di kana lumapit... saakin mahal. bigyan mo ako ng oras para mailabas ang aking saloobin ng ikaw maliwanagan narin. Aking ipapaliwanag biglang **** pag lamig na tila isang malaking sahig na walang hanggan na pag aaway at pag tatampo, di ko maihabilin sakit sa aking damdamin. sasayad sa aking isip na di kana masaya saakin. na na na na maaaring sawa kana sa saya, sakit at pagkalumbay sa aking piling, mahal aking hiling kung mayroong problema sa pagitan natin ay iyong sabihin. hindi yung bigla kang lalamig na para bang sahig.. bigla kang lalamig. at sa oras ng iyong pag lamig para bang pati puso ko'y namanhid, di ko maintindihan napuno ito ng tampo... sayo! kaya mahal ipaliwanag mo ngayon ang iyong sarili kung bakit ka lumalamig.
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 8:54 AM UTC
Malamig ka na.
Ako ang nandito. Bakit binabalewala mo? Ano? Ano ang dapat na gawin ko para ako ay mapansin mo? Ano ang meron siya na wala ako? Ano ang kailangan kong gawin para makita mo na ako ang nagmamahal sayo? Ilan? Ilan na tula ang dapat kong gawin para mapahanga ka? Ilan na taon pa ang kailangang lumipas para malaman mo na mahal kita? Ilan beses ba dapat ako tumulong sayo para maliwanagan ka? Ilan beses ba dapat ako masaktan para lang sayo? Ilan beses ko ba dapat ipakita sayo na mahal kita? Ilan beses ba dapat ako magpakatatag at lumaban sa isang pagmamahal na ako lang yung nagmamahal?
0
Jul 11, 2018
Jul 11, 2018 at 7:12 AM UTC
Ilan?