Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makaraos" poems
110916 Yugyugan, walang hele Galit at poot, walang tuldok. Bayan, Bayani at Rebolusyon Dugo, Latay at Krus. Pintasan sa saradong Libingan ng mga Bayani Pasismo'y binabali Demokrasya'y katunggali. Hampasan ng Hustisya, Latay ng Pagtutuligsa. Kalampag ng mesang panay barya Sigaw ng paghain ng kamatayan. Bukas ang Pintuang tila batong hinati Uhaw, sawing-palad, May luwad na dalamhati. Di makilala, suyod nang kaladkaran, Saboy ng pighati. Walang bahid, walang bisa -- Hindi maramot ang May Grasya. Negosyo sa pulitika Kalakal ng mga salita. Palimos nang makaraos Lusong, tapon, salo at ahon -- Yan ang pagtatapos -- Isa, dalawa, tatlo Tatlumpu't tatlong taon. Inihanay ba Siya sa mga Bayani? Hindi. Nalimot ba ang Kasaysayan? Hindi. Ang natatanging Kasaysayan, Tanging Kristo ang tutuldok Tanging Kristo ang saysay Walang iba, tapos na.
0
Nov 13, 2016
Nov 13, 2016 at 11:15 AM UTC
kaSAYSAYan
nilalamig, nanginginig, nanghihina, at humahangos, sa siksikan na lugar, pinipilit kong umusad at makaraos. ang sakit ng puso’y nagpaparamdam sa paos niyang sigaw ng “tigil!” sa mga matang hindi alam ang ginagawa pero ayaw magpapigil. naghahanap ng sagot, nangungulila sa gustong pagmulan nito, ang mga paa’y hinahatak palayo sa direksyon mo. paurong-sulong ang isip na tanging laman ay ikaw, nagmamakaawang nakaluhod, pilit nang nag-aayaw. nananakit na ang leeg kakahanap sa kanyang noo’y sandalan, naiiyak na inaalala ang nagtapos kamakailan lang. ngayo’y naglalakad mag-isa sa gitna ng maiingay na tao, dahil sa manhid, wala nang pakialam kahit natutulak at nabubunggo. bagsak ang mga balikat, ang mga tuhod ay sumusuko, paubos man ay lumalaban ang mahinang bulong ng puso. umaasa na sa konting sakit at hintay pa, baka ako pa rin— na sa aking paghahanap ay makita ka at ang iyong mga matang naghahanap din sa akin.
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:39 PM UTC
paghahanap sa gitna ng lahat
Kapag yumaman na uuwi ba sa San Arden? Tatanggapin, pagkatapos na pinaghintay naging alipin sa kanyang mga kamay at yapos At kung mangyari ay huwag masyado madiin dahil di pa naghihilom nang lubos Tambakan ng lupa ang dasalin para di lumingon o sumulong Isulat sa libingan "Bawal Pitasin amg Tutubong Bulaklak" Upang tumaglay ng mabangong gayak Nagliliyab ang mga kandila na nakatirik sa altar sapagkat nakipagsundo sa diablo nang dahil sa mahal Isinanla ang kaluluwa at ang dugo'y pantubos Ikamamatay man nakakasiguro ang tambalan ay makaraos Di ito ang paraan, mabubulok man ang katawang tao, ang isip sa Diyos lang Mangamba sa tagubilin Ang huling salita ay hindi mawawala sa puso't panimdim Gumagabay sa araw-araw na gawain Ano ang natira sa malawak na lupain? Tila disyerto na lalong umiinit Impyerno na sumibol sa kontinente ay tumatawid ng karagatan ginagapi ang bawat silid
0
Dec 26, 2018
Dec 26, 2018 at 9:42 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #30