Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
George Andres Aug 2016
Isang babae ang sumakay sa V. Mapa
Maikli ang buhok at kayumanggi
Nakapulang T-shirt at maikling shorts
Tsinelas na plastic ay may takong

Ang jeep ay mahaba, bago at maingay
Balahaw nito ang malakas na tugtugin
Ang barker ay mala trenta maging ang driver
Kung umasta ay tinedyer

Ang musika ay hindi musika
'Pagkat hindi lahat ng sinulat ay babasahin
Ni musika ang lahat ng tugtugin
Hindi musika kundi basura

Ang babae ay sumabay sa saliw ng tugtog
Kumanta nang may emosyon
Walang hiyang ikinampay ang kamay
At winasiwas ang yapos na sako

Hindi pa siya nagbabayad
Malamang wala siyang pera
Hindi siguro iyon ang dahilan ng tawanan
Sa kanya'y marahil may kakulangan

Nawala ang nagwawalang kanta
At nanahimik rin ang aba
Tulala sa kawalan habang may minamantra
Bakit kaya kabisado niya ang kanta?

Kung mayroon mang makapagsasabi
Ano ang nasa isipan ng isang tao
Na hindi rin masasabi kung ano
Paanong ang pag-unawa'y matatamo?

Sila ba talaga ang wala sa katinuan?
Kung sila ang ating pinagtatawanan
Kung mga mata nila'y walang bahid
Pahid ng alinlangan at pagdududa

Naririnig din ba niya
Sigaw ng barker sa kalsada?
Nararamdaman din ba niya
Dampi ng tubig ulan

Naiisip niya kaya
Kung ano ang kinabukasan?
Nagmamadali rin ba siyang makauwi
Dahil may exam kinabukasan?

Bumaba siya sa harap ng arko
Tumalon at masayang nagsayaw sa gitna
Tinunton ang daan sa Teresa
Di namalayang nariyan na siya
Sa patutunguhan niya
8416
ESP Mar 2016
Lasapin ang bunga ng paghihirap
Puso, isip at kaluluwa lang naman
Ang iyong nilaan para ikaw ay
bigyan ng kaunting sahuran.

Kung minsan, napapagod
Ay, madalas nga palang pagod
Ang katawan man ay bumabagsak
Gagaling ka rin at
Itutuloy ang paghihirap

Sabi ko noong bata pa ako
"Inay, gusto kong maging doktor
pagkalaki ko.
Pagka't gusto kong pagalingin
ang bawat maysakit na tao."

Hanggang sa nagpagtanto ****
Habang lumalaki
Ni hindi naman pagiging doktor
ang gusto mo paglaki

Ako ay sinanay upang maging alipin
Upang siyudad ng sikat na
Politiko ay yumaman sa aming kamay
Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad
Nalilipad-lipad at napunta sa
"tagapaglingkod ninyong totoo,
kami ay kasangga ninyo."

Sabi nga ng ilan ay
Buhay ay sadyang gulong ng palad
Hindi ako naniniwala dahil,
ikaw mismo na nabubuhay ang
siya lamang makapagsasabi at
makapagdidikta ng iyong kapalaran
Nasa iyong kamay ang kasagutan
Kaya pakilusin na ang mga paa
Buksan ang iyong mga mata
Pakinggan ng iyong mga tenga
ang bawat hinaing
Ito ay magbabago rin
kung bawat katawan ay kikilos
sabay-sabay muling galawin

Tayo ang sagot
sa hirap na dinaranas
Tayo rin mismo ang makapagbabago
Ng kung ano mang ang nakasanayan
Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil
Tayo lamang
Tayo lamang ang pagbabago.
M G Hsieh Jun 2016
wala naman makapagsasabi, kung kelan matutupad ang tunay na pangarap
    nalalaman mo pa ba kung ano ang binubulong ng puso?
    hinde pa ba ito natatabunan
    ng alaala ng kahapong pinagmulan?

    nais kong umangat mula sa putik na aking minana:
    ambisyon ang umuudyok
    pagkatotoohanin ng kasiyahan, ang bawat layaw ng laman
    na tulak ng mundo
    pabilis nang pabilis ang ikot
    habulin man
    unahan man
    kelangan pagbayarin

    bawat hubog sa atin ng tinaguriang
    collective consciousness
    nang kung sino man matalinong tumawag dyan,
    dyan! mapangahas na pangngalang marangal!

    sino ba ako pag humiwalay ako sa collective consciousness na yan?
    anong napala ko dyan, itinulak ako
    (di kayat, nagpatuak ako?)
    patungo sa isang kanto nyan
    dahil kelangan kong sundin
    ang moralidad
    ang paniniwalang
    gawa-gawa rin lang
    ng aking kapwa

    hinde ko tinatakbuhan
    ang aking
    social responsibility
    na syang dinikta na lipunan
    na dapat akong kumayod at tuparin
    ang oblgasyon ko sa kanya

    no.

    ang tinutukoy ko
    ay ang binubulong
    ng bawat saloobin

    natabunan na ito
    ng sigaw ng damdamin

    sinong makakapagsabi
    kung kelan matutupad ang pangarap?

    ito ba'y aking hahabulin
    pipilitin
    paglalabanan
    sa hilaw na panahon?
    (tulad ng sigaw ng damdamin
    na tumilapon sa akin?)

    ang bulong ng saloobin
    hinuhukay ko pa
    ito'y nasa ilang
    lantang lanta na ako
    binging bingi
    ngunit naririnig ko pa
    sinasakop nya ako
    umaasang bubuhayin ko muli.
Joe Feb 2020
Gusto kong magalit
Kahit walang dahilan.

Gusto Kong magtampo
Kahit ngayon lang.

Gusto Kong umiyak
Kahit sandali lang.

Gusto Kong manahimik nalang
sa isang tabi
At magisip.

Mag isip ng mga bagay na
posibleng mangyari.
Mga bagay na hanggang
imahinasyon nalang.

Gustuhin ko man gawin yung
mga bagay na iyon hindi ko magawa.

Kasi naalala ko,
Ano nga bang meron tayo?
Ay mali.
Uulitin ko.
Walang tayo.
Wala naman talaga 'di ba?
Sino ako para para iyakan ka?
Sino ako para magtampo?
Sino ako para magalit?
Sino ako para sayo?
Walang ako sayo
Walang ikaw sa'kin
Walang tayo.

Walang makapagsasabi kung hanggang kailan ako
magiging wala lang sayo.
Kasi nga walang tayo.

— The End —