Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
051922

Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y
Nagsilbi pala itong aking pahingahan.
At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala
Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel
Ay unti-unti rin palang gumuho
Ang mga pader na naging proteksyon ko
Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin.

Sabi ng iilan,
Gusto nila ng kalayaan —
Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan.
Pagkat mas ninanais ko pang
Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran.

Siguro nga, tama sila
Na takot akong buksan ang aking pintuan.
Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang
Ang daraan sa aking paningin.
At baka sila mismo ang magtirik ng kandila
Para sa paghimlay ng aking mga pangarap
Na nais ko pang makamit at maibahagi.

Naisip ko biglang —
Wala naman palang masama
Sa pagtakip natin sa ating mga sarili.
Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago
Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y
Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang
Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay
Sa ating mga pintuang pinangangalagaan.

Ang bawat nilalang
Ay may sari-sariling paraan
Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
At ang bawat katauhan di’y
May iba’t ibang paksang ipinaglalaban
At patuloy na pinaninindigan.

Kung ang mga pader nati’y
Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y
Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili.
Pagkat ito’y hayagang kataksilan
Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang
Na pangarap na mga bituin.

At kung minsang mapadpad na tayo
Sa pampang ng ating paglisan,
Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya
At patuloy na lumaban at manindigan.
Para rin ito sa atin,
Para sa sariling kaligtasan
Laban sa walang pasintabing pagkukutya
Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw.

Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan
Kung saan natin naiwan at naisantabi
Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain.
At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas
Para sa muli nating pagkabuhay,
Ay patuloy rin tayong makikiindak
Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang
Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao.

At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo
Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais
Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t
Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay
Upang hindi na muling  makapagpahinga
Sa piling ng ating mga pluma’t papel.
Ilang beses man sinubok ng panahon,
Ilang beses man lunurin ng alon,
Pero di kailan man mauubos ang pagkakataon
upang magpatuloy at maka ahon.

Sa bawat paglubog ng araw
ay may kadilimang umiibabaw
pero ito'y hindi panahon para magluksa
kundi ito'y para panahon para makapagpahinga.
Pagkatapos nito'y isang panibagong umaga,
ito'y pagsisimula ng panibagong kabanata.
Sabi nga nila,
sundin mo kung anong nilalaman ng puso.
Sa bagong simula nato
Di na muna ako makikinig sa kanilang payo.
Ayaw ko munang sundin
itong malakas na pintig ng aking damdamin.
Gusto ko munang i-alay tong puso ko sa Kanya,
Siya na may-ari nitong lahat, ating Manlilikha.
Ipapaubaya ko muna sa Kanya itong lahat
Kahit saan man ako dalhin,
pero sa aking tingin
ay
sa iyo pa rin ako makakarating.
Don't follow your heart, just surrender your heart to God and let him guide you.
Oras,simpling Salita lang pero ang laking bagay sa buhay ng tao,Lalo na sa buhay mo.
kapag marunong ka ng magbasa ng Oras,don mo malalaman na sobrang halaga pala nito sa buhay mo.
kasi nong musmus ka palang,d mo pa alam ang salitang Oras.
Kaya wala kang pakialam kung tumatakbo ang mga kamay nito sa orasan nyo.ang mahalaga lang sayo maglaro,kumain,matulog,maligo sa ulan,maligo sa ilog,makipaghabolan sa mga kalaro at umakyat sa puno ng bayabas.
Ngunit ngayong alam mo na ang Oras at napagtanto mo na sobrang halaga pala nito.kaya bawat sigundo hinahabol at pinapahalagahan mo na,halos wala ka ng maitira sa sarili mo kasi naibubuhos mo na lahat ng oras at panahon mo sa kakahabol sa mga nais mo.
Tipong Kape na lng ang pahinga mo pero tuloy parin ang pagkilos ng kamay mo, tulad ng sa Orasan.wala din tigil ang pag-ikot nito,tuloy-tuloy lang.paulit ulit lang.parang ikaw.paulit ulit lang din ang takbo ng buhay mo.tulog-bangon-trabaho.araw-araw ganito lagi.
dahil ayaw **** masayang yung mga oras n dumadaan sa buhay mo.
paano nga ba papahintuin ang oras para makapagpahinga naman sa araw araw na pare-pareho lang ang takbo?
Pwede kayang bumalik na lang sa pagiging musmus na walang alam sa takbo ng Oras,para naman makatulog ulit ng mahaba at gigising ng walang iisiping bayarin at suliranin.
Pag natutunan mo na ang pagbabasa  sa kamay ng Orasan,magiging abala ka na sa buhay mo.

— The End —