Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
elle Sep 26
sino nga ba satin ang uto-uto?
madaling naniwala sa tukso  
‘kay lambing at malumanay
subalit iyong mga pangako'y
hinulma sa matinik na katotohanan

sino nga ba satin ang uto-uto?
napaniwala sa pantasya
ng pagmamahalang
dapat na mapagpalaya

ako ba ang uto-uto?
isinumpa ng mga tendensiya
ng uring pinagmulan
isang kabalintunaan
sana’y mabalikwas
ngunit matigas ang aking ulo

ikaw ba ang uto-uto?
pero  
ikaw lamang ang makakasagot
sapagkat ito’y sulat sa hangin,
mga hinanakit at
sumpa na di makakaabot
sa iyo

ako yata ang uto-uto
napaniwala sa iyong
malalambing na tukso
dahil kahit ako'y nabudol
ng isang pagmamahalang mapagtaksil
ika’y hindi
mabitaw-bitawan
di ko alam kung sapat na sakin ang ganito dahil gusto ko pa maramdaman ang iyong mga kamay sa aking mga pisngi
Eduardo Espinoza Feb 2018
Di ko alam kung paano ko sisimulan
ang nais sabihin ng puso at isipan
Di ko din alam kung anung salita
ang pwedeng gamitin para ipahayag
ang saloobin ng damdamin ko at kalooban

Lungkot, Inis, Galit, pagtatanong
Alin ba dito ang nararamdaman?
Saan ba ko magtatanong? kanino bako makikinig
para masagot ang mga tanong tungkol sa aking
nararamdaman

Nakakalito, nakakapagod, di ko na alam
saan ako huhugot, ng lakas ng loob para sabihin
ang hanggang ngayon ay damdaming di ko alam.
Meron kayang makakasagot, o baka naman
tutulong makalimot, sa pakiramdam na ito
na di ko maintindihan.

alam kong nalilito kana..
batid kong di mo ko naiintindihan
Pero ang nais ko lang naman
ay merong makaalam, ng tinatagong damdamin
na hanggang ngayon ay di ko alam....

Spoken poetry by edeng espinoza

— The End —