Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lord, para kang driver ng shuttle. Sa bawat pagpara ng mga tauhan, humihinto ka. Ang bawat isa’y may tangang istorya at pawang may mga kakambal na destinasyon.

Sa dilim, tanging ang ilaw mo ang nagbibigay pag-asa sa mga tambay at naghihintay na pagkatao. Hindi mahalaga sayo kung matagal na silang nag-aabang o kararating lang nila sa tagpuan.

Hindi naman lingid sa aming kaalaman na diretso lamang ang daan; alam naming dumaraan Ka talaga sa amin at minsan ayaw lang talaga naming pumara. Kung malayo kami’t nasa eskinita pa; kami ang nararapat na maglakad patungo sayo at maghintay. Minsan nga lang mahuhuli kami sa oras, pero babalik ka naman para sa amin.

Hindi ka napapagod pagbuksan ng pinto ang bawat pasahero; kahit may lakas naman ang bawat isa. Isasara mo ang naturang pinto nang kami’y maging ligtas.

Matulog man ang isa sa amin, ang byahe’y isang hele. Minsan talaga malubak lalo sa tigang na kapatagan. Sa bawat alikabok at aspaltong sinsayaran; nananatili ka sa iyong pagmamaneho.

Minsan, mabilis ang takbo; minsan mabagal. Tulad ng bawat panalangin; minsan agapan **** sinusolusyunan; minsan naman, tinuturuan mo ang bawat puso kung ano ba talaga ang "paghihintay." Pero alam namin -- mabilis man o mabagal ang takbo; hawak Mo ang oras at tanging kaligtasan at kabutihan lamang ang alay Mo sa amin.

Sa pangunguna mo, salamat po pagkat may iisang direksyon ang biyahe. Alam namin ang patutunguhan buhat sa karatulang nasa salamin. Pag sinabi naming “Dito na lang,” muli kang humihinto at muli kaming pinagbubuksan para lumisan. Hindi ito paalam; bagkus, bukas ay sasakay muli at tayo’y magkikita sa lagi nating tagpuan.

“Alam mo kung nasaan ako; hihintayin Kita. Lord, salamat sa kaligtasan.”
theblndskr Dec 2016
Kasi kahit anong gusto kong lagpasan ka, kailangan pa rin kita daanan.

Ang hirap kasi, andami kong oras na nasasayang. Pero kung wala ka, bakit pa ko gigising ng maaga? lagi kitang pinaghahandaan, ikaw lang ang nandyan sa 'twing mahuhuli ako ng lakad.

Isa kang paalala na kailangan kong maghintay, kailangan kong magtiyaga.

Di ako lilihis ng daan, para iwasan ka lang. Kasi mas nakita ko yung mga lugar na dinadaanan ko pala araw araw. Kesa noon, ang nakikita ko lang yung patutunguhan. Ngayon, parang ayaw ko na makarating sa paroroonan.

Pero sana wala ka nalang. Para di ako laging kinakabahan na,
"Huli na ko".
Huli na sa klase. .
9 14 2015
janel aira Feb 2021
minsa’y hindi magtutugma
mauuna ang kanan
mahuhuli ang kaliwa

pipiliting sumabay sa indak ng iyong katawan
umaasang hindi mo ako iiwan

sa dulo tayo ay magsasabay
sa pagpitik ng daliri
hanggang sa pagtaas ng kamay

matatapos ang araw na tayo’y magkasama
ang langit at kahel, tila nagbabaga

pinagmamasdan ang pagsikat ng buwan
sa iyong mga mata
nananatili ang katotohanang tahanan ka.
Isang gabi, ginising mo 'ko nang alas-nuwebe -
Ang sabi mo sa'kin:
"Gising na. Kain ka na. Mahuhuli ka na sa trabaho."
Ginising mo 'ko sa mahigpit **** yakap,
Sa labi **** dumadampi sa bawat parte ng aking mukha.

Lumabas tayo ng kwarto, tumuloy sa lamesa.
Nakahanda na ang pagkain, at bumalik ka sa pagbabasa.
Tinitigan kita -
Dahil alam kong pagod ka rin, sumusubok din katulad ko.
Kaya't nilapitan kita't niyakap, pinasalamatan:
"Thank you. Mahal kita."

At kung sa mga susunod na taon, ganito ang paggising ko:
mahigpit na yakap mula sayo; matatagal na halik; pag-aalaga at pag-intinding hindi  kailangang hingin; at pagmamahal na sigurado.

Sa mga susunod na taon, kung bibigyan ng pagkakataon, patuloy kitang ipagtitimpla ng kape,
Patuloy kitang ipagluluto ng kahit anong putaheng gusto mo;
Patuloy kitang sasamahan sa simbahan kada Linggo;
Patuloy kitang ipagdarasal;
Patuloy kitang susuportahan sa landas na gusto **** tahakin;
Patuloy kong mamahalin at kikilalanin lahat ng mahal mo; at
Patuloy kitang ipapakilala sa mundo.

At sa mga susunod na taon, kung bibigyan ng pagkakataon -
Patuloy kitang pipiliin.
Patuloy kitang mamahalin.
love has always been my kryptonite. pls pray for me. thanks

update: nvm. basta magmamahal pa rin ako. bahala kayong mga nananakit ang papangit nyo!!!!

— The End —