Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
aermaen Jun 2011
1.     Ang pagyao nya'y tulad sa hangin

         di mawari'y tila isang banyuhay ng init

         na sumakbibi sa iyong pusong bato

         na sa kalauna'y lumamig at lumisang tuluyan.



2.      Sa di kaginsa-ginsay na kaganapan

         ika'y nag-aral mabuhay

         batid ang dalamhating hatid ng halumigmig

         na dala ng luha at ng bagong umaga



3.      Sa pag bukang liwayway

         ako'y sisigaw at tatanaw

         batid ang samyo ng ala-ala

         patuloy sa pagunita sa pagsintang tangan sa paglisan



        naninimdim



        ngunit magpapatuloy lamang.
Xian Obrero May 2021
Sa dami ng mga taon na lumipas
Alaala mo’y wala pa ring kupas
Milyong luha na rin ang tumagas
Sa sakit hindi pa rin makatakas

Pangalan mo’y sigaw pa rin ng aking puso
Dama at dinig mo ba kahit ika’y malayo?

Dama mo ba ang bawat hinagpis?
Dinig mo ba ang aking pagtangis?
Bakit ka lumisang sobrang bilis?
Sa kirot at sakit, hanggang kailan magtitiis?

Sa dami na ng taon na lumipas
Ang pagmamahal ay wala pa rin kupas
Milyong luha man ay patuloy pa rin sa pagtagas
Mahal pa rin kita sa bawat darating na bukas.

Buhay mo man ay biglang binawi
Pag-ibig ko sa iyo ay hindi kailanman mahahawi

Ang buhay man ng tao ay may wakas
Mananatili ang pag-ibig na wagas
Hanggang sa dulo man ng wakas
Pag-ibig na wagas ay mag-iiwan ng bakas.
billie Feb 2020
Kay lamig ng iyong lambing,
Parang hanging patuloy na niyayakap ang gabing madilim,
Ayaw magpa-awat ng tumitibok na himig,
Hahayaan na lamang halikan ng lumisang pag-ibig
Patawarin kung lilisanin na ang mundong minsa'y ating tinakbo na ngayo'y ating ihihinto
Para sa mga nanlamig na pag-ibig, alay ko ang tula na ito para sa inyo

— The End —