Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
L S O Oct 2017
Ang salita ng hari ay apoy
na nagpapainit sa pugon
ng kawalang-katarungan,
nagpapakulo sa bituka
ng balikong lipunan

kung saan ang kampeon
ng disiplina
ay nagiging kampon
ng pagmamalabis,
at ang pagtakbo ng hustisya
ay nauungusan na
ng pagtakbo ng mga nasisiil.

At sa gitna ng kaguluhan,
sa gitna ng katahimikan
ng karamihan,
mas lumalakas ang loob
ng masasamang-loob,
at lalong lumalago
ang masasamang damo.

Sindilim na ng gabi
ang tanghaling tapat,
sa panganib na ngayo'y
wala nang pinipiling oras

at ang buhay na iyong
pinagkaingat-ingatan,
baka bukas sa kalsada'y
isang mantsang pula na lamang.
Ikaw ay itinanim
Sa lupaing’di marilim

Ugat mo’y lubos higpit
Sa tuwirang pagkapit

Sanga mo’y yumayabong
‘Di pigil sa pag-usbong

Dahon mo’y lumalago
Mga ibon humahango

Bulaklak ay humahalimuyak
Nagbibigay-galak

Bunga ay hinog na
Pitasin na ang biyaya!

-05/10/2012
(Dumarao)
*for Campus poem in Salingsing Issue of 1st Sem., AY 2011-12
My Poem No. 121

— The End —