Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lipos" poems
Sa madilim na sulok ay inaalala ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga Lipos ng rosas ang kapaligiran Kapag siya'y nakikita sa paaralan Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan Hinati na ng imahinasyon ang daigdig ko na may limitasyon Itinago muna ang katotohanan Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan Sa alon ay nagpapaanod Sa hangin ay naninikluhod Ibinulong ang tanging hangarin na sana sa isang araw kami'y magkapiling Anong saya sa tuwing pasukan Singko kong baon ay iniipon Upang sa pagdating ng tamang panahon Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan Bakit ko pa ikinakahiya ang maging isang dukha Hindi na nga makakain Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba Marupok ang aking katatagan Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin Duwag kapag ako'y salingin Nanginginig ang himig Sa gabi'y pinapangarap si Dessa na nagluningning Siya'y prinsesa na nakahilig Sa luklukan Haring handang pagsisilbihan Walang mali sa kanyang kagustuhan Kapag lumalayo na ang araw na tila pumapa-kanluran Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan Sana'y noong nagkakatitigan Lumapit kapagdaka'y nagpakilala Kung sakaling ngumiti Hindi na siya pakakawalan Sana'y sa simula pa lang niligawan na ang Paraluman Kahit tumanggi sa pagmamahal Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo Mahirap man - tumanda nang nagagalak kahit sa isipan Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
0
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 5:22 AM UTC
Panganorin ng Nakaraan

Continue reading...
50
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak Sa landas ng gabing / humahalimuyak Doo'y tutuparin / ng ating pangarap Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap Kata'y aaliwin / ng mga kundiman At patutulugin / ng hanging mahinay Pag-ibig ang ating / magiging himlayan Sa harap ng tala't / mga bulalakaw Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog Lilipas ang hirap / lahat malilimot Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog Kata'y maglalampong / nang buong hinahon Wala ni sinuman / ang makatututol Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw Sukat na sa akin / na iyong ibigin At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw! Tena at humimbing / sa gabing tahimik Na nilalambungan / ng nunungong langit Mga puso'y sabay / na mananaginip Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:20 AM UTC
Hele ng Pag-ibig
Maginaw ang hamog sa unang ulan ng Disyembre Naging kristal ang mga alikabok sa Hilaga Lumaganap ang kahel na tina sa dahon ng Makahiya Tumataghoy sa kweba ng kapusuan Ibigay ang sagot sa patlang na kalooban Himutok ay hindi na lumubay Nang natagpuan na mayroon ng kasintahan Napatingala sa langit na lipos ng estrelya Sa kubo na hinati ng dingding Sa loob ay ang buhay na ikinatha Sa kabila naman ay ang mga bagay na dapat ginawa Ngayon ay nagtagpo ang himakas at dagat Sa katagalan nang paghintay ng salita upang ibibigkas ay wala rin saysay sa kahuli-hulihan Sa tugmaang ito'y nasawan Wiligan ng bendita ang dating sanggol sa kamalayan Kipkipin at itago ang lampin Sa ambon, sa bintana ay napaisip Paano kung hindi natutong magmahal
0
Dec 30, 2018
Dec 30, 2018 at 4:21 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #37
sa pangatlong araw ng pagsikat, sa isang lamesang puno ng kalat dumating na'ng isang hudyat sa isang makathang pagsusulat kasabay ng pagdaan ng panahon ang pag-alala sa maling nagawa ng kahapon sa aking paglisan, tumahak ng ibang direksyon batas ng tadhana, tayo ay hinamon waring nabighani sa kaniyang aparisyon sa kaniya'y sumama, pinakinggan ang tugon ngunit lingid sa aking pag-iisip, siya'y hamak na ilusyon ako'y niligaw, tinangay ang aking aguhon sa panahong ako'y naliligaw sa desisyong tinahak, isang mapurol at maginaw bakas sa aking munting balintataw ang hangaring gustong bumitaw ngunit dumating ang aking kinatatakutan ako'y naligaw, sa isang mapurol na bilangguan ang aparisyong pinaglalaruan ang aking isipan pilit na tinutulak sa aking magiging hantungan hindi ko ninais na ika'y iwanan nais kong ilahad ang aking pinagdaanan ngunit hindi ito sapat sa nagawang kasalanan lipos ang pagsisisi, na ika'y binitawan hahamakin ang lahat, ako'y uuwi sa ating tagpuan walang nang aparisyong hahatol sa ating pagmamahalan ngunit nariyan ka pa ba? o ako'y tuluyan nang kinalimutan? gayunpaman, ako'y naririto, naghihintay, na muli kang mahahagkan
0
Jan 3, 2022
Jan 3, 2022 at 10:29 AM UTC
Untitled
Kunting pagdilat ng kanyang mga mata na di-gaano masingkit ay ginagahis ang hita't bisig - yumuyukod Pagsisilbihan ang prinsesa Tapat na kawal na di sadyang napa-ibig na Sa pook na madalang dalawin ng banaag ay nanimpuho Malago ang mga paragis Nang mga ulap ay bumababa na parang sumasimpatiya Nahahagkan ang mukha Kulang sa init at lamig Walang lasa ang inihaing pag-ibig na di tumagal sa panlasa Paano lubusan na ipangangahulugan kung di nakaranas ng karinyo ng dalaga Nangatuyo na ang mga uhay sa tumana habang sinusulyapan ang kasaysayan Kahit lipos ng balbas ay ngingiti pa Kahit ilang ulit pa ilalarawan ang anyo na singganda ng mga likas na yaman Sa hubog na baywang balingkinitang katawan ay di magsasawa Nagsusumamo ang puso sa kalangitan
0
Jan 30, 2019
Jan 30, 2019 at 7:29 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #60