Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lev Rosario Sep 2021
At kumawala ako sa panahon
Ako
Hawak ang camera
Pagkatapos kunan ng letrato
Ang pamilya
Sa lumang bahay
Na unti unting ginigiba
Nang mga elemento

Sino ba ako?
Sino itong mga kasama ko?

Nasa dulong kanan
Ang aking tinatawag na Ina
Naka puting T shirt
At itim na pantalon
Malaki Ang ngiti
Pero tila may tinatago
Sa likod ng mga mata

Nasa dulong kaliwa
Ang aking tinatawag na Tito
Bitbit ang kanyang Dachshund
Ang anak ay
Hindi imbitado sa handa
Yumaman sa pagtatrabaho
Sa Estados Unidos

Sa Gitna
Ang aking tinatawag na Lola
Hindi na ngumiti
Ubos na ang mga araw
Kung saan siya'y napapangiti
May sugat na hindi na gumagaling
Dahil sa Diabetes

Nakapaligid Ang iba
Mga pinsan, Tito at Tita
Makukulay ang suot
Maiingay at matatakaw
Bata at matanda

Lahat ng ito
Kasama ako
Nanggaling sa iisang matris
Mula bata hanggang pagtanda
Nakipagsalamuha, naglaruan, naglakihan, nagmahalan, nag awayan...
Ito kami
Ito ako

Ano ang ibig sabihin nitong lahat?

Nakatitig ako sa letrato
Habang natunaw ang madla
Maya't maya ay uuwi na
Sa kani-kanilang tahanan
Iisa ang pinanggalingan
Saan ang patutunguhan?

Sino ba ako?
Sino itong mga nasa letrato?

Ako ay may ina
Ang aking ina ay may ina rin
At ang ina ay may ina rin
At ang ina ng ina ay may ina rin
At ang ina ng ina...

Katabi ng aking Tito
Ang panganay na pinsan
Muntik nang mamatay sa dengue
Noong kabataan
Naghahanap na ng trabaho
Naghahanap na rin ng girlfriend

Bawat isa ay may pangarap
May iba't ibang Diyos
May iba't ibang lengguwahe

Ako
Ang tagakuha ng letrato
Sino ba ako?
Miyembro ng isang pamilya
Estudyante, kapatid, anak, pinsan, pamangkin, kaklase, kalahi
Tagasulat ng tula na ito
Tagakuwento ng mga nakalimutan at  makakalimutan
Tagapagmahal ng mga taong pwedeng mahalin
Lev Rosario Oct 2021
May sanggol na buhat-buhat ng isang babae
Naka teletubbies na T shirt
Maikli ang buhok, maputi ang mukha
Mataba ang mga braso

Ang dalawang anyo ay nakaupo
Sa isang silid
Nakangiti ang babae
Ang sanggol ay nakatingin sa kawalan
Buka ang bibig ngunit
Walang boses na lumalabas

Ano ang kanilang patutunguhan?
Alam ko kung saan.

Ano ang kanilang mga kasalanan?
Alam ko kung ano.

Ano ang kanilang mga pangalan?
Alam ko kung ano.

May masamang pakiramdam
Sa aking dibdib
Sa pagitan ng mga nangyari
At maaring mangyari
Hindi ko maalis ang aking tingin
Kahit na ako'y nasasaktan
Kahit na gusto kong mawala

Inosenteng bata
Inosenteng bata
Ano nangyari sa iyong pagka-inosente?
Bakit ka lumaki?
Bakit ka nagkasala?
Bakit mo iniwan ang iyong panginoon?
Bakit hindi ka pa magpatiwakal?

Bata, madami kang pagdadaanan
Naaawa ako sa iyo
Mabuti at nakayanan mo
Ngumiti ka, umiyak ka
Ligtas ka dito
Hindi kita pababayaan
Naaawa ako sa iyo

Itinago ko ang letrato
Masyado nang ginugulo ang aking isipan
Theodora, wala kang kasalanan.
Theodora, wala kang kasalanan.
VJ BRIONES Jul 2017
sa pagbukas ng aking mga mata
ikaw agad ang gusto kong makita
sa umaga na gustong lunurin ng saya
lunurin ng ikaw
hinahanap ang nawalang "ikaw"
nasaan ang "ikaw"
nasaan kaba?
kagabi lang katabi ka
pero ngayon wala kana
anung kalokohan to'?
umupo ako
at iniisip na ikaw ay
umalis ng hindi nagpapaalam
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?


gumawa ako ng mainit na tsokolate
na paborito natin inumin parati
walang emosyon ang aking nararamdaman
ang maliit na butas sa aking puso, na tinutusok ng kalungkutan
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?


sa pagbukas ng pinto ng ating aparador
naisip ko na baka nagtago kalang para ako'y iyong gulatin
handa sa kaba ng iyong hindi pag-alis
sa aking pagbukas
hinahanp kita
hindi moko ginulat
bakit hindi mo ako ginulat?
hindi ka nagtago
nasaan kaba?
sinara ko ulit ang pintuan ng aparador
niloloko ang sarili na ako'y gugulatin ulit
sa pagbukas ko wala kapadin don
hindi kapa din nagpapakita
nakita kong nakasabit ang damit mo
ang iyong amoy
ang mahalimuyak na amoy ng paborito **** pabango
na sana malanghap ko pa
na sana malanghap ko pa ang amoy ng iyong pagdating


nakita na kita
sa letrato nating dalawa
tinitignan ang ating mga imahe
tinitignan ang ating mga ala-ala
binabalikan kung anung meron pa
takot bumitaw sa tadhanang biglang umayaw
mga letratong tayo ay masaya
tayo ay magkasama
tayo na punong puno ng tawa
nakita ko ang letrato na paborito nating dlawa
pero ikaw hindi parin kita makita
makikita pa kaya kita?


hinanap kita
nilibot ko ang bawat sulok
pinuntahan ang dating tagpuan
sinilip ang dilim ng kalungkutan
binukas ang posibleng pinagtaguan
hinahanap ka saan-saan
tinanong ang mga tao sa lansangan
hindi parin kita makita
saan kaba
tama na ang taguan
magpakita kana
lumabas kana
sige na
labas na
ayoko nang magisa
tinanggap ang katotohanang ikaw ay wala na
na iniwan mokong walang ideya kung nasan ka
saan kaba nagpunta?


kung alam kolang na akoy iiwan mo
edi sana ikinulong kita
kung alam kolang na ikaw ay aalis
edi sana ikinandado nalang kita
sana sumulat ka manlang
o kaya nagiwan ng ideya kung nasaan ka man
habang ako nandito parin
hinihintay ang iyong pagbabalik
nakahiga sa kama
nagpapahinga
katabi ang mga unan
mga basang unan
na nilunod ng luha
at iniisip
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?
JD May 2018
Napakadami nating letrato na magkasama
Tingnan mo oh ang saya mo pa.
Sa lahat ng imahe, napapangiti kita
Hindi ko pinaramdam na nagiisa ka.

Mahal, may nalaman ako
Mahal, alam kong di yun totoo
Hindi naman di ba mahal ko?
Sabihin **** mali yung nalaman ko.

Sabi mo kaibigan mo lang sya?
Kasi sabi mo "Barkada"
Oo tama ka, kabarkada ko pa!
Ano ba yan, pinagmuka nyo kong tanga!

Mahal bakit nyo naman ako niloko?
Hindi naman ako bato
Na kayang magpakamanhid sa ginawa nyo
Na kayang tanggapin ang pagkakamali nyo.

Kaya pala,
Pag wala sya nalulungkot ka
Tanga ko, bat di ko nahalata?
Puta kasi nabuglag ako sa pagmamahal, kingina!

Ang sakit maloko
Ang sakit masaktan ng patago
Ang sakit na ang relasyong to'y isang laro
Laro lang dahil ginamit mo lang ako.

Pero mahal salamat ha?
Salamat sa tubig na tumulo saking mga mata
Salamat sa laro na habang buhay ay ako ang taya
Larong sakin ay nagpaluha.

— The End —