Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy Apr 2017
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.

Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?

Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.

Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.

Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.

Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.

Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Naisipan ang kahalagahan ng oras sa buhay, dahil ang mga nakalipas na, di na pwedeng balikan pa.
kingjay Dec 2018
Tulad ng duling, di kayang magbilang
Wala na makadugtong sa pangarap
Nanlimos sa kanto
sadyang naulila
Sa bayang sinisinta nawawala

Talagang kumakapit ang mga nagawang kamalian
Sa muling pagdilat ng mata ay di mapalagay
Lahat ng bisala ng mga bagay ay nahahanap ng wari
Sa isang kisapmata, laging nauulit

Sining ng pagbabalatkayo
Magpakalabis ng konting katuwaan
Tinakpan ng panlabas na ekspresyon
Naanod sa kasayahan

At nalungkot ang nagsidatingan sa piging
Ang nagtago ng tunay na damdamin
Sa bandang huli, bumaybay ng mga hinaing

Sapat na masilayan ang paghati ng abot-tanaw
sa lagablab ng araw na unti-unting naparam
at sa karagatan na nag-iwan ng pamana
"...Pilit ko man itago, ngunit
isipan ko'y nasa iyo.
Hindi ko maiwasan,
hindi kaya ako sa iyo
ay tinamaan?🎯🥰

Maitatanong lamang,
bigkis mo kaya ang
aking kasiyahan?
Tuwing ikaw ay aking nakaka-usap,
damdamin ko'y nahahagip
sa mga ulap ng isang iglap. 🌬☁️

Hatinggabi nang muli,
payapa ang mundo,
may awit na bumubulong
at sa puso pumapanhik.

Bumangon at sa langit ako'y
tumatanaw na may ngiti,
libo-libong mga tala, iisa ang
pumukaw ng aking tanglaw...
Yun ay ikaw... 🙈🙈🙈

Iniisip-isip, sana'y masilayan
kita sa aking panaginip.
****-usap sa tadhana
na sana ang lahat ng ito
ay maging takda
at magkaroon ng
mabubuting gunita
at huwag sana mauwi
sa isang kisapmata
at maling akala..." ❤❤❤
Bryant Arinos Jan 2018
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya,
Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo.
Kasama kita sa maikling panahon,
Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala.

Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok,
Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos.
Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok…
Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos

Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok.
Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,,
Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa.
Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok.

Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa
Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana,
Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko.
Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
Bryant Arinos Feb 2021
alam mo bang hindi ko inasahan ang naibigay **** saya?
hindi ko natanaw noong umpisa na tayo ay magiging panandalian lamang pala.
tulad noong araw na tayo'y nagkakilala, ang pagwawakas natin
ay naging kasing bilis rin lamang ng isang kisapmata.

napakasariwa pa ng mga alaala nating dalawa.
sabay pa tayong nanonood kay haring araw kapag siya'y bababa.
sa umaga'y yakap mo pa ako sa ating pagising
at kamay ko pa ang iyong hawak sa tuwing ika'y nananalangin.

ngunit lahat ng pagsasamang ito ay nahinto, dulot ng isang tuldok.
ang natatanging bantas na nagsasaad ng pagtatapos.
Oo, masakit na di na kailanman malalagyan pa ng dalawang tuldok. . .
na magpapahiwatig na ang ating kwento ay mayroon pang karugtong.

ang mga oras at panahon ay tila naging saglit,
ang kwento natin ay puno lamang ng kuwit
na nagsasabing "di pa tapos, sandali lang, maaabot natin ang tuktok"
pero si Bathala na nag nagdesiyon na lagyan ito ng tuldok

marahil nga hanggang doon na lang ang istorya nating dalawa,
alam ko rin naman na hindi napipilit si tadhana.
inihipan na rin nina amihan at habagat ang ating mitsa
--at ang bisa ng pana ni kupido ay tuluyan nang nawala.

kaya pasensya ka na mahal kung hindi maganda ang kwentong naibahagi ko.
'di bale, ito na lang rin naman ang huli kong mensahe para sayo.
hayaan **** ako rin ay maglagay na ng tuldok sa dulo
at sabihin sayong maaari ka na rin magsimula ng panibago **** kwento.
JOJO C PINCA Nov 2017
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang araw hahabulin mo ang 'yong hininga,
pero sa tulin nito hindi mo s'ya aabutan.
magdidilim ang iyong paligid
magsasarado ang iyong mga mata
at hindi kana kailanman gagalaw.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
mabubura ang lahat ng iyong ala-ala,
mabuti man o masama lahat mawawala.
kahit ang panaghoy ng naglalamay
na saiyo'y nagmamahal hindi mo na
madidinig lahat maglalaho.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
maganda man o panget ang iyong
mukha't katawan sa bandang huli
kakainin lang ito ng mga bulate.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
kahit nasa taas ka ay h'wag magmataas
pagkat sa huling hantungan sa lupa'ng
tapakan ka rin mababaon.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang singaw sa ibabaw ng lupa,
isang bulalakaw sa kalawakan
isang bula na nakalutang sa sabaw
at isang kisapmata sa libong pangitain.

— The End —