Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jor Sep 2016
I. Kilig
Unang kita ko palang sa'yo—
Gusto na kita maging parte ng buhay ko
Sinong hindi kikiligin sa tuwing
Ngumingiti ka rin,
Sa tuwing ngumingiti ako sa'yo.

II. Kaba
Sa tuwing kakausapin kita,
Nauutal ako.
Nagbubuhol-buhol ang mga salita—
Na enensayo ko pa kaninang umaga.
Kasi araw na ‘to ipagtatapat ko na—
Ang tunay kong nadarama.

III. Saya
Dahil sa wakas nasabi ko na!
Hindi ko akalain na pareho ating nadarama.
Sinong hindi sasaya?
Kapag nabigyan ka ng perbilehiyong—
Magkaroon ng “tayo” sa pagitan ng
Dating “ikaw” at “ako” lamang.

IV. Galak
Alam ng Diyos kung gaano nagagalak
Sa tuwing magtatagpo ang mga mata.
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo.
Sa tuwing magkausap tayo magdamag
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Nung simula kang maging parte ng mundo ko.

V. Inis
Naramdaman ko rin ang inis
Sa tuwing binabalewala mo ako,
Sa tuwing iba ang kasama mo,
At hindi ko namamalayang
Nagseselos na pala ako.

VI. Pangamba
Nangangamba ako,
Sa tuwing aalis ka ng walang permiso.
Sa tuwing hindi ko alam kung sino kasama mo.
Nangangamba ako,
Sa anong pwedeng gawin mo—
Sa tuwing nagkakaroon tayo ng pagtatalo.

VII. Takot
Takot ako na magsawa ka sa gaya ko.
Takot ako na baka makahanap ka ng iba
Yung kayang higitan ang isang tulad ko.
Takot na baka isang araw—
Hindi na ako ang iyong mahal mo.

VIII. Lungkot
Madalas malumbay na gabi ko.
Sabik na sabik ako —
Sa mga yakap mo,
Sa mga dampi ng mga halik mo,
Sa mga magagaan na haplos sa ulo ko.
At sa mga gabing natatakot ako.
Gusto ko lang na nandirito ka sa tabi ko.

IX. Pangungulila
Dumaraan ang mga araw, linggo at buwan
Na wala ka nang oras sa akin,
Gusto sana kitang puntahan
Ngunit alam kong—
Na mas importante ka pang gagawin.
Naiintindihan ko naman
Pero anong magagawa ko?
Nangungulila ako sa’yo.
Mahilig akong manood ng pelikula
Sisiyasatin ko ang bawat balangkas
Panonoorin mula sa simula
Papunta sa kasukdulan ng kwento
Hanggang sa katapusan ng kwento

Isa sa paborito kong kategorya nito
Ay ang pag-ibig

Napakasayang manood ng pelikulang pag-iibigan ang tema
Dahil kahit minsan ay katulad din ito ng nararanasan natin

Magsisimula sa pagpapakilala
Sa “ako nga pala si..”
“At ako naman si..”
Sabay ngiti na tila titigil ang mundo
Bibilis ang pintig ng puso
At mapupuno ang tiyan
na tila nakalunok ng sangkatutak paruparo
At nanirahan sa ilalim ng mga kalamnan mo

Napakatamis ng mga simula
Ang mga panahong ang mga mata
Ang nagsisilbing daluyan
Ng enerhiya na nagpapasabay ng tibok
ng puso niyong dalawa
Ang mga panahong ang mga kamay
Ang nagsisilbing hawakan sa pinakamalayong paglalakbay

Kikiligin ka sa simula

Magpapatuloy sa kasukdulan
Magpapatuloy
Sa “Bakit hindi mo agad sinabi?”
Sa “Bakit ka nagsinungaling saakin?”
Sa “Ano bang nagawa ko sa’yo”
Sa “Saan ba ako nagkamali?”

Matututunan mo na ang pag-ibig pala ay nagbabago
Ang dating matamis ay naging mapait
At tila isang kape na dating kumukulo sa init
Ay nanlamig bigla
Sa di inaasahang panahon

At sa katapusan ay makikita mo ang dulo
Ang pagpapaalam
Ang mga salitang “Hanggang dito na lamang tayo”
Na kahit na ipinangako niyo sa isa’t isa ang walang hanggan
Ay naabot niyo pa rin ang dulo

At kahit na masakit ay tatanggapin mo
Dahil ang katotohanan ay
Ang pag-ibig ay nagwawakas

Mahilig ako sa mga kwento
Dahil dito umiikot ang mga pelikulang sinusubaybayan ko
Ang simula, kasukdulan at pagtatapos

Ang paborito kong istorya
Ay ang pag-ibig

Pag-ibig
Na nagsimula sa pagpapakilala
Sa pagtanggap ng katotohanan
na hindi ko kakayanin mag-isa
Sa pagsambit na ikaw lamang
ang kayang magligtas
sa kaluluwa kong ligaw

Hindi man puno ng tamis
Pero puno nmn ng tunay na pagsinta
Ng totoong nagmamahal

Ang mga mata niyang magbabantay saakin
Sa tuwing ako’y nag-iisa’t nasa panganib
Mga labi, na hindi mo man nakikita ang ngiti
pero ramdam ang pagmamahal sa tamis ng salitang sinasambit
Mga kamay, na hindi nagsisilbing hawakan, pero gabay
At sa tuwing naliligaw na ako’y andyan ka pra itama ang aking landas

Pag-ibig
Na ang kasukdulan ay
Naganap sa krus
Kung saan ipinakita ang tunay na kilos ng pagmamahal;
Sakripisyo
Kahit na hindi ako nararapat sa pag-ibig mo’y
Ibinigay mo ang lahat
Para lamang maibalik ang ako, na minsan nang naglibot papalayo
Sa kasabikan na mahanap ang dulo
Kasama ang mundo
pero nagkamali ako

Ang mundo ay iiwan kang lagalak
Sa kalsada
Humahanap ng titirhan
Humihingi ng makakain
At nanlilimos ng ng salapi

Pero ikaw ang pumulot saakin
Sa pagkaalipin ko sa mapanlinlang mundo
Iniangat mo ako sa kahirapan ko
Kahit na tila kapeng nanlamig ako
Ay hindi mo isinantabi
Pinaranas mo ang tunay na pag-ibig
Na hindi kayang ibigay ng kahit sino

At tulad ng mga pelkulang paborito ko
Hilig kong sinusubaybayan ang kwento
Ang paborito kong kwento ay ang pag-iibigan nating dalawa, Panginoon.

At magtatapos ito sa…
Mali.
Hindi pa rito nagtatapos ang kwento
Lynne Pingoy Sep 2015
ALDUB, isang loveteam na hinahangaan ng sambayanan
Lalaki, babae, o kung anumang kasarian man yan.
Siguradong kikiligin ka sa tambalan ng banyan.
Syempre ALDUB yan, sigaw ng taongbayan.

Dalawang taong may pinag-aralan
Naging isa sa EAT BULAGA; programa ng bayan.
Walang halong kaartehan o kaplastikan ang pagtitinginan
Inyo itong makikita sa kanilang mga tinginan.

Si ALDEN na handang tumupad sa pangako,
At si MAINE na handang maghintay sa mangingibig nito.
Ang pag-iibigan nila minsan magulo,
Pero madalas nagiging wasto.

Mga mata nila'y nagtugma na,
Ngunit kamay nila'y hindi pa naging isa.
PLYWOOD, ALARM CLOCK, LONG TALBE Nidora, humarang sa kanila,
Paglalapit nila'y naging HOPIA pa.

Kailan kaya magiging isa ang mga ito?
Kung ang layo nila'y magkabilang dulo ng mundo.
Ang mga tao'y nagtatanong,
Kailan nga ba ang tamang panahon?

Ito'y huling hirit na ng mga tao.
Lola Nidora tuluyang buksan ang iyong puso.
Paglapitin landas ng dalawang ito.
Upang ang mga tao'y kiligin mula BATANES hanggang JOLO.
patrick Aug 2019
Oo torpe ako
kasi hindi ako kagwapuhan
at hindi rin ako mayaman
Hindi rin ako yung tipo **** lalake
Ako yung taong simple lang,
konti lang ang kaibigan,
hindi famous
Nahihiya akong lumapit,
nahihiya kasi ako sa mga kaibigan mo
Kasi sa sobra **** ganda tapos ako hindi naman kagwapuhan pero hindi naman sobrang panget
Sakto lang pero sobra sobra ako magmahal pero nakukuha pa rin akong saktan
Kasi ako yung tipo ng tao na once na mag kagusto gagawa at gagawa ako ng paraan upang mapa sa akin
Kahit na mahiyain gagawa at gagawa ako ng paraan para mapansin mo
Kasi kaming mga torpe sa pang aasar kami dumidiskarte
Kahit minsan napaka mais ng jokes namin pero nakukuha pa rin namin kayong pangitiin
Pero once na maging tayo
Hindi hindi kita papakawalan hindi agad agad kita isusuko
Kahit anong mangyari hindi tayo masisira
Na kahit anong pagsubok ang dumaan hindi tayo bibigay
Alam mo naman na mahal na mahal kita
Iiwan ko ang pagkamahiyain ko para sayo
Kami yung minsan ka lang kiligin
Mahilig sa biglaan
Sa mga suprise
Yung basta basta ka na lang kikiligin
Kami yung laging dahilan ng ngiti niyo kapag kausap niyo kami
Hanggang sa matapos ang relasyon natin
Hindi kita hahayaang umiyak

— The End —