Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kalampag" poems
110916 Yugyugan, walang hele Galit at poot, walang tuldok. Bayan, Bayani at Rebolusyon Dugo, Latay at Krus. Pintasan sa saradong Libingan ng mga Bayani Pasismo'y binabali Demokrasya'y katunggali. Hampasan ng Hustisya, Latay ng Pagtutuligsa. Kalampag ng mesang panay barya Sigaw ng paghain ng kamatayan. Bukas ang Pintuang tila batong hinati Uhaw, sawing-palad, May luwad na dalamhati. Di makilala, suyod nang kaladkaran, Saboy ng pighati. Walang bahid, walang bisa -- Hindi maramot ang May Grasya. Negosyo sa pulitika Kalakal ng mga salita. Palimos nang makaraos Lusong, tapon, salo at ahon -- Yan ang pagtatapos -- Isa, dalawa, tatlo Tatlumpu't tatlong taon. Inihanay ba Siya sa mga Bayani? Hindi. Nalimot ba ang Kasaysayan? Hindi. Ang natatanging Kasaysayan, Tanging Kristo ang tutuldok Tanging Kristo ang saysay Walang iba, tapos na.
0
Nov 13, 2016
Nov 13, 2016 at 11:15 AM UTC
kaSAYSAYan
Tama Mali Mali Mali Mali Wala Nawawala Nasaan ang puti? Ingay Gulo Kalampag ng lata sa loob ng ulo Galit Lungkot Puta, bakit gano’n? Magkahalo Litong lito Kailan ba mawawala ‘to? Sira Panira Wala nanamang nagawang tama Mali Mali Tangina, lagi nalang mali Nagtataka Hilo Mundo’y balot ng misteryo Kailan maayos? Kailan titino? Ang tanong sa sariling walang makasagot
0
Dec 25, 2014
Dec 25, 2014 at 3:44 AM UTC
MIStERYo
paano ko nga ba kinolekta ang mga ala-ala? sa piraso ng bato? sa piraso ng kahoy o halaman? siguro sa simoy ng hangin at lasa ng pagkain? hindi naman kaya sa kalampag ng mga musika? wala nga sigurong batayan wala ring katapusan ang pagkolekta ng mga ala-ala nakagawian ko na itong gawin noon pa kaya kahit na ubos na ang mga bato kahoy at halaman kahit na said na ang bakas sa simoy ng hangin at lahat ng pagkain manahimik man ang indayog ng musika hangga't hindi pa nauubos ang mga naipong lakas na magdadala ng mga lipas na gunita ng galit at takot ng lungkot at tuwa makababalik pa rin ako saan man magpunta
0
Aug 4, 2020
Aug 4, 2020 at 1:29 AM UTC
Talaan