Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"itinatagong" poems
Titila ang ulan...titila.. Ang maaliwalas **** mukha ang aking napagmamasdan, Hindi ko masisilayan, Isang napakagandang larawan, Ano ang kahulugan? Ng iyong ngiting iniwan. Hindi kita kilala, Ngunit ang ngiti mo'y may ipinapahiwatig sa tuwina, Nakakamangha talaga, Hanggang sa tuluyan kitang makilala. Binuhay mo ang aking pagkatao! Ginuhitan mo ang aking puso! Kinulayan mo ang madilim nitong sulok, Salamat! sa biyayang minsan **** inalok, Sino ka ba talaga? Bakit mo ako tinuruan ng ganoong pagpapahalaga? Titila ang ulan.....oo---ang ulan, Ngunit kasabay nito ang iyong pagkawala, Paglisan na nag-iwan, Isang bakas na may itinatagong kariktan, at sa pagtila ng ulan, Isang malaking pala-isipan, Ang iyong ngiti ay-------- Ngiti ng isang------------ anghel.
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 12:44 AM UTC
Mala-Anghel **** Ngiti
Umuulan na naman, Natutuwa ba o nalulungkot ang langit? Walang nakakaalam, Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit. Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha, Pilit nanunumbalik masasayang alaala. Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo, Sa ulan din pala magkakalayo. Lakad at takbo sa gitna ng ulan, Mabasa o magkaputik ay hindi alintana. Bugso ng ulan ay biglang dumahan, Payong ang nakita pagkatingala. Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata, Iyan ang naaalala sa unang pagkikita. Tila bang tayo ay nasa koreanobela, Damang-dama ang pagiging bida. Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan, Kwento nating dalawa ay may hangganan. Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan, Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan. Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka. Basang-basa at putikan, hindi alintana. Mga hikbi ko ay hindi mapatahan, Kasabay nang pagbuhos ng ulan. Payong mo'y hindi na matanaw, Wala na, tuluyan ka nang bumitaw. Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita, Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
0
Oct 6, 2020
Oct 6, 2020 at 8:25 AM UTC
Lihim
nang dumating ako sa kalyeng puno ng alaala pinagmasdan ang kalsadang bagong gawa bakas pa rito ang pagdaan ng mga pison na pilit na pinapantay ang baku-bakong landas ng aking kinabukasan 'di pa gaanong tuyo ang itim na aspaltong kalalagay lang at sinusubukang takpan ang sementong 'di man lang nakatikim ng liwanag tulad ng aking puso ang aking pusong sa bawat tibok ay binubuhusan ng malagkit na aspalto ng pagkalimot at ang sementong balot na balot ng matigas at malutong na aspalto'y paulit-ulit na dinadaanan na tila walang pakialam sa kung gaano ba kasakit masagasaan nang paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit hanggang sa magkawatak-watak ang aspaltong kalasag ng semento mula sa liwanag at kung ito'y mangyari ay susubukan muling ayusin at bubuhusan ng mainit na aspalto upang takpan ang mga sugat at butas na sumisilip sa liwanag ngunit tulad ng pagdidilig sa patay na halaman o sa pagpilit na malimot ang minahal ay imposible at walang katuturan dahil ang nagagawa lamang ay baku-bakong kalsadang puno ng alaala at kung pagmamasdan ang kalyeng bagong gawa ay bakas ang paghihirap at pagpilit na ikubli ang itinatagong nakaraan
0
Dec 10, 2015
Dec 10, 2015 at 7:38 AM UTC
aspalto