Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Oct 2015
Kailan mo itatama ang isang pagkakamali?
Kung ang pagkakamaling itatama ay ikinukubli?
Kung ang ikinukubling tao ay hindi katangi-tangi?
Kailan naging katangi-tangi ang isang pagkakamali?

Kailan?

Kailan mo sasabihing mali ang magmahal?
Kung ang minahal mo'y dala-dalawa't masaya?
Kung masaya ka sa piling niya, pa'no ang isa?
Kailan naging pagmamahal ang magmahal ng dalawa?

Kailan?

Kailan mo lilinisin ang mantsa sa iyong damit?
Kung ang damit mo'y gutay-gutay, punit-punit?
Kung pinunit nang iyong pag-ibig ang sakit?
Kailan nga ba naging matamis ang mapait?

Kailan?

Kailan mo babaguhin ang iyong nakasanayan?
Kung tuluyan ka nang iwan at tumira sa lansangan?
Kung lahat ng iyong minamahal ay kusa kang iwan?
Kailan mo itatama ang iyong pagkakamali?

Tanong ko sa iyo, kailan?
John Emil Oct 2017
Sino nga ba ang mamahalin?
Upang maging kahati ng aking tadyang
Hindi ko man mawari akoy naguguluhan
Sa babaeng ubod ng marilag

Sino nga ba ang dapat katiwalaan?
Ng puso kung tumitibok na dalisay
Tanging hiling ay iyong maramdaman ng tunay
Kaya’t sa tahimik na pagdarasal di na daan

Sino nga ba gustung harayain?
Kaya palaging nasa malayo ang tingin
Pati puso ko’y naging maagap
Upang hindi ka lang makalimutan

Sino nga ba? Ito’y itatama na
Upang pusot diwa’y di na mag-akala
Kaya’t wag na muling ipaalala pa
Mata’t katawan ipapahinga ko na

Sa aking pagtulog ikay makalimutan
Upang bagong buhay’t mamahalin
Saakin paggising aki’y maranasan
Kayat tanung “sino nga ba?” ay ililibing ng tuluyan

— The End —