Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Aug 2016
Sa probinsiyang kinalakihan ko,
Bata man o matanda ay nagtatrabaho.
Sa lugar kung saan marami ang tanim na tubo,
Lahat ay maagang gumigising at nagbabanat ng buto.

Sa malawak na lupain sinimulan nilang magtanim,
Mula umaga, tanghali, at hanggang pagsapit ng dilim.
Hindi inaalintana ang init, sakit, at hapdi na kinikimkim,
Maitawid lamang sa gutom ang pamilyang pinatitikim.

Kahit kapiranggot man ang kanilang kinikita,
O minsan wala talagang may madudukot sa bulsa,
Ngiti sa kanilang labi'y hindi mawala-wala,
Pagka't pamilya ay tunay na mahalaga sa kanila.

Puso ko'y nahahabag, nalulungkot, at nagsusumamo,
Sanay mapansin sila ng mga tao sa gobyerno,
Dagdagan sana nila ang kita ng mga manggagawang sinsero,
Sa pagtatrabaho nang buong puso at may totoong prinsipyo.

Magsasaka man sila, ****, haciendero, o barbero,
Pantay-pantay sana ang pagtingin natin sa mga ito.
Kung wala sila, paano ang bansa natin aasenso?
Manggagawa po sila, nilikha ng Diyos bilang tao.


Nawa'y mapakinggan bawat nilang gusto,
Itaas ang kita ng manggagawang Pilipino.
Kumilos na sana ang ating gobyerno,
Huwag nilang hayaang sila'y magpakalayo-layo.
Labis nating inaalintana ang ating kinabukasan.
Natutulero sa pweding kalabasan,nang mga kilos na hindi pinag-iisipan.
Masyadong padalos-dalos sa ating mga hakbang.
Nababagabag, nauubos ang oras at panahon sa kakaisip ng ating kahihinatnan.

Nang hindi namamalayan,na ang Halaga ng Kasalukuyan ay atin ng nakakalimutan.
Sa pagnanais na makarating agad sa bukas,ang Ngayon ay hindi na napapahalagahan.

Kung hindi na alam ang nangyayare sa takbo ng ating buhay,Huwag kalimutan na anjan ang Maykapal.Laging gumagabay at nagbibigay ng tamang daan.
Manalig at magdasal at tayo'y Kanyang Papakingan.
Struggle
Worries
Just Pray

— The End —