Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
El Aug 2017
Minamahal kita
subalit hindi ko ito ikukumpara
sa mga tala, sa alon;
Hindi ko ito ikukumpara
sa mga bagay na karaniwang ginagamit sa tula
sa bango ng bagong pitas na rosas
sa apoy na walang tigil sa pagliyab
Minamahal kita
nang hindi ko ito ikukumpara sa mga iyon
o sa kahit ano.

Minamahal kita dahil sadyang mahal kita —
sa katwirang hindi maikukumpara ang aking nararamdaman
sa mga bagay na natatanaw, nahahawakan.
Minamahal kita dahil sadyang mahal kita
walang tulad-tulad
walang mga talang kumikinang at along humahaplos
walang rosas na kasing bango ng kawalan ng alinlangan
walang apoy kung saan ang usok ay kumakaway sa mga ulap
at hindi na matanaw.

Minamahal kita
at hindi ko ito ikukumpara sa kahit ano.  

Minamahal kita
Original poem written August 9, 2017
Ayaw ko sabihin sa'yo
itong nararamdaman ko
Ayoko magtanong
kasi takot ako sa iyong sagot na hahantong sa iyak na pabulong  
Ayoko magalit
kasi ang sitwasyong ito ay paulit-ulit

Pero ayoko rin na iniisip mo pa siya
Nakaka-insecure kaya
Ayoko na ikukumpara ang sarili sa kanya
kasi tang-ina ang perpekto niya

Ayoko sana magbahagi ng tula
pero ito ang paraan maipalabas ang nadarama

A aminin ko, masakit
Y ung tipong dahan-dahan umaagos ang luha
O o, iniyakan ko na naman ito
K aya ayoko na sanang malaman mo
O kay lang, kasi palaging "okay" naman ako.

— The End —