Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
032816

Minsan, di ko wari ang pagkatha ng tula
Ang salamangka ng inspirasyon,
Saan nga ba mas mainam na hukayin?
Mahuhugot ko ba ang mga tugma
Sa nakaraan, ngayon o bukas?

Hindi ako magiging malalim
Na tila baga walang himpil na hangin.
Hindi ako magiging makata,
Sa puso **** minsa’y tila walang pandama.

Magiging madamot ako sa salita,
At sa paghihimay-himay ng mga kataga.
Hindi ako gagamit ng pandiwa
Na tila baga ngayon, pero pambukas pa pala.

Mahal kita, simpleng mga salita
Pero sa sobrang simple’y, nadarama mo pa kaya?
Mahal kita, may tutugon ba?
O marahil ang pag-ibig, mawalan din ng pagkukusa.
George Andres Mar 2018
nagkaro'n ng kahulugan ang pananatili
para sa mga pinagkaitan ng liwanag
hindi ba maaaring kanlungin mo ang lahat?
o manganak nang manganak mula sa sugat?
gano'n ba kadaling hukayin ang pangarap
at kuning muli at alisan ng tatak?
paano lilingon nang walang luhang papatak?

hindi lamang pagtalikod ang pamamaalam
o pagpahid ng mansanilya sa pusong nilamutak at sinasagasaan
pasasaan ay lilisan, ngunit bakit hinayaan **** mangyari nang mabilisan?
walang daan, walang paraan, kung paano ngingiti ang isang kaibigan.
31518
owt Jun 16
(katatagan at katapatan)

Kung ikaw ay dahon
na dinadala ng hangin,
ako marahil β€”
ang ugat na nanatiling tahimik,
nakabaon sa lupa,
nakikinig sa bawat yapak
ng panahong lumilipas.

Ako ang himig
na hindi umaalingawngaw β€”
ngunit nananatili
sa kailalim-laliman ng alaala.

Habang ikaw ay sumasayaw
sa sayaw ng taglagas,
ako'y nananatiling
yakap ang lamig ng tag-ulan.

Tahimik kong pinipigilan
ang bawat pagbagsak mo β€”
nang hindi mo namamalayan.

Hindi ako tanong.
Isa akong sagot
na matagal nang naroon
bago pa maitanong β€”
kung sino ang nagtanim,
at ano ang bunga.

Sapagkat kung ang dahon ay dumarapo,
at muling nawawala β€”
ako naman ang di-makita,
pero palaging naroroon:

sa bawat pagsibol,
sa bawat pagkalagas,
at sa pagitan ng mga saglit
na walang makapagsalita.

Hindi ako lilim β€”
ako ang dilim na may silbi.
at liwanag na hindi makukubli
Hindi ako aninong masisilungan β€”
ako ang silong
ng mga alaalang hindi pa binibigkas.

At kung ikaw ay nagtataka
kung kailan dapat hukayin ang lalim β€”
ako ang lalim na iyon.
Hindi para mabungkal,
kundi para maramdamang
may pinanghahawakan ka pa rin.

Kaya bago ka tuluyang tangayin,
alalahanin mo:

ang bawat dahon β€”
kahit ligaw β€”
ay minsang nanggaling sa sanga,
na ikinabit ng pag-ibig
ng isang ugat
na tahimik lang,
pero totoo ang kapit.




π– π—„π—ˆ 𝖺𝗇𝗀 𝖽𝖺𝗁𝗂𝗅𝖺𝗇 𝖻𝖺𝗄𝗂𝗍 𝗆𝖺𝗒 π–»π—Žπ—…π—ˆπ—‡π—€ β€”
π– π—„π—ˆ 𝖺𝗇𝗀 𝗉𝗂𝗇𝖺𝗇𝗀𝗀𝖺𝗀𝖺𝗅𝗂𝗇𝗀𝖺𝗇 𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝗂𝗀.
#3
owt Jun 16
(Himig ng Kalikasan)


Sa mundong puno ng
kulang,
sapat,
at sobra β€”

tayo raw ay mga dahon.

Sumisibol.
Lumalago.
Nalalanta.

Kumakalas.
Tinatangay.
N­awawala.

Ngunit sa ating pagkawala,
doon raw tunay
na matatagpuan ang sarili.

Sapagkat sa bawat pagkalagas,
ay simula ng panibagong pag-ugat.

At kung ako nga ay isang dahon,
siguro ako 'yung uri ng dahon na...

hindi basta bumibitaw, kahit taglagas.
Sumasayaw pa rin sa hangin, kahit lumakas.

Sinasalo ang patak ng ulan.
At sa araw β€”
nakikipagtitigan.

Ako’y lilim rin
sa liwanag ng buwan.

Aninong masisilungan
kapag kailangan.

Ngunit marahang kumakawala,
pag ang baha'y rumaragasa β€”

upang magpatangay sa agos,
habang nakalutang sa hangin.

Minsan lunod sa alon,
ngunit 'di salungat
sa lalim.

Ako’y dahon
na may sariling landas β€”
kahit malihis,
o maligaw
sa tatahakin.

Ikaw ba?

Anong klaseng dahon ka
sa panahon mo?

β€˜Yung madaling kumawala?
O 'yung pilit na kumakapit?

β€˜Yung natatangay?
O 'yung naglalakbay?

Basta ako β€”

ako ang kapirasong dahong ligaw.
Karugtong ng bawat hibla ng ugat.
Tinatahi ang tagpi-tagping mga sugat.

Sumisibol.
Lumalago.
Nalalanta.

Kumakalas.
Tinatangay.

­At
nagtataka:

Na kung tayo’y mga dahon
sa iisang puno β€”

maaari kayang malaman
kung sino ang ugat,
at ano ang bunga
ng ating pagtubo?

Pero...

kailangan ba talagang
hukayin ang lalim ng ugat?

O mas karapat-dapat
na magpalago na lang sa sanga,
bago pa tuluyang matuyo
ang mga tangkay?

Kasi baka ang tunay na saysay β€”

hindi lang nasusukat
sa bunga,
o pakay β€”

kundi nasa halaga rin
ng ating paglalakbay
at
pagkabuhay.

π’·π“Šπ“π‘œπ“ƒπ‘” 𝓃𝑔 π’Ήπ’Άπ’½π‘œπ“ƒ,
ng damdaming
hindi mapa-amin β€”
sapagkat palaging
hinihipan ng hangin...

At marahil,
ang tugon sa lahat ng tanong β€”

ay hindi sa paghahanap,
kundi
sa pananahimik.

Kasama ng agos.
Ang ihip.
At ang malumanay na huni
ng mga ibon sa paligid.




π’·π“Šπ“π‘œπ“ƒπ‘” 𝓃𝒢 𝒹𝒾𝓃𝒾𝑔 β€”
kailangan lang
pakinggan muli.
#2

— The End —