Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Agust D Feb 2020
papunta't pabalik
panahong nasasabik
alaalang bumabalik
nalulumbay, tahimik

munimuni't hiraya
guniguni't pantasya
tumatakbong nakataya
tadhana'y trahedya

pagsamo't lumalaban
kinabukasa'y hinulaan
dumata't kinakatakutan
kinakatakutang paglisan
Hiraya ng Pag-ibig
Roanne Manio Dec 2019
Siguro nga'y tayo lamang
ang mga tao sa mundo,
at ang mga ilaw sa daan ay disenyo lamang
ng mga 'di nakikitang kamay,
ang matamis na boses na nanggagaling sa kahon
ay likha lamang ng ating mga isip,
at ang mga katanungang pumupuno sa katahimikan
ay guniguni na dulot ng magdamag.

Ang puwang ba na pumapagitna ay tulay
o dingding?
Ang dilim ba'y bunga ng gabi o dahil
pareho tayong nakapikit?

Malabo ang lansangan sa likod ng salamin
ngunit ngayon, sa bulang ito,
lahat ay malinaw, totoo.
127 / 1223 / 1228 / 101 / 111 / 112
By: SDV/Ferdiand S. Panerio+


Pagmulat sa dapithapong umaga,
Dahil sa haplos ng simoy na kay ganda.
Kay sarap limiin, damhin sa guniguni,
Ang lamig **** tagos hanggang dibdib,
O Maragusan, himbing ng aking pagiisip.

Hindi ka lamang lupang sinilangan,
Kundi sabsaban ng likas na kayamanan.
Luntiang paraisong sa puso’y nakaukit,
Sa bawat patak ng hamog, ikaw ay iniibig.


Maragusan—tahanan ng aking alaala,
Sa bawat ulap, bulaklak, at bituin
Maragusan—huwaran ng ganda at sigla,
Sa iyo pa rin, puso ko’y mananahan.
Sa silong ng gabi’y may sayaw ng liwanag,
Na tila'y bituing naligaw sa ulap.
Ngiti’y nakapako, ngunit may panglaw,
Sa mata’y may apoy na malamig ang galaw.

Mga salitang tila ginto sa hangin,
Ngunit kapag hawak. abo’t panaginip din.
Lunas na lason ang haplos sa laman,
Tahimik ang sigaw ng kaluluwang wasak.

Lumulutang sa lambong ng usok na itim,
Para bang langit, ngunit walang awitin.
Hinahabol ang oras sa loob ng bote,
Kahit ang mundo'y umiikot sa mote.

Hindi na kilala ang sariling mukha,
Sa salamin ng guniguni’t maling akala.
Bangkay na humihinga, mata'y nakapikit,
Nilunod ng ulap ang liwanag sa isip.
mausok ang paligid😁
Sa lilim ng buwan, tayo’y nagtagpo,
Sa gitna ng katahimikang walang kibo.
Ang iyong titig—liwanag na lihim,
Sa mundong ang oras ay tila mahimhim.

Ang ating halakhak, alingawngaw ng dulo,
Ng landas na bawal, ngunit di naglalaho.
Mga palad na ‘di kailanman magtatagpo,
Ngunit sa guniguni'y sabay ang paglayo.

Isinulat tayo sa buhangin ng isip,
Binura ng alon, tahimik, malalim.
Sa salamin ng hangin, ika’y naroon,
Ngunit abot-kamay ay palaging ambon.

May mga salitang ‘di pwedeng sambitin,
At halik na taning hangin ang pupunuin.
Kay tamis ng ‘yong ngiti sa dilim,
Kay pait ng umagang ako’y mag-isa ring lilim.
In the shadow of the moon, we met,
In the midst of the silent silence.
Your gaze—a secret light,
In a world where time seems to be silent.

Our laughter, an echo of the end,
Of a path that is forbidden, but never disappears.
Palms that will never meet,
But in imagination, we drift apart together.

We were written in the sand of the mind,
Erased by the waves, silent, deep.
In the mirror of the wind, you were there,
But within reach is always mist.

There are words that cannot be spoken,
And kisses that will fill the air forever.
How sweet is your smile in the dark,
How bitter the morning is when I am also the only shadow.
Sa tuwing ako'y nag-iisa,
Puso ko'y humihiling na sana naririto ka,
Gusto kang mahagkan at makasama pa,
Hindi na litrato lang ang tanging alaala.

Ilang taon na akong nangungulila sa mundong ito,
Sino na ang makikinig sa aking mga kuwento?
Sa tuwing masaya at malungkot ako,
Ikaw lang ang nakaiintindi sa mga nararamdaman ko.

Maaari ko bang bayaran ang Panginoon?
Mahiram lang ulit ang buhay mo't panahon.
Gusto kong maibalik ang kahapon,
Nawa'y puwede pa kahit ngayon.

Hanggang ngayon, ako'y nalulungkot,
Mula nang lumisan ka, mundo ko'y tumigil na sa pag-ikot.
Hindi na kita makakasama pa sa ngayon,
Kaya’t sa tula na lang ibubuhos ang aking guniguni at emosyon.
Ang tulang ito ay isang elehiya para sa kaibigan kong ****—nilisan niya ang mundo noong taong 2022 kaya hinding-hindi ko siya malilimutan. Siya ang naging inspirasyon ko sa paggawa ng mga tula.

— The End —