Kanina habang kumakain ako sa Jollibe ng spaghetti at yum burger, naka dungaw ako sa bintanang pader,
tinatanaw ko ang labas at mga tao at motoristang dumadaan.
Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan,
Dala ng madilim dilim na ulap sa langit,
Bigla bigla nalang magbubuhos ng pait yung langit.
Hay....habang bumubuhos ang malakas na ulan,
tanaw ko ang malayo na parang nalulusaw na imahe.
Ang lalim ng iniisip ko, siguro ganito talaga kapag umuulan,
Hindi lang naman siguro ako yung ganito.
Gayun pa man di ko napag tantong tulala na pala ako,
Yung tipong hawak hawak ko nalang ang yum burger
Tapos nakalimutan ko narin nguyain ang nasa bunganga ko,
Sampung segundo ang lumipas wala akong imik,
Dalawampung segundo ang lumipas,
Ganun parin ako, tumatanaw sa malayong walang imik,
Tatlong pung segundo ang nakalipas,
Bigla akong napaiyak,
Yung luha ko ay sumasabay sa pag buhos ng ulan.
Wala akong pakialam kung may naka tingin sa akin o wala,
Ang alam ko lang gusto kong umiyak.....
Kaya pwede niyo akong pag-bintangang baliw,
Sapagkat umiiyak ako, akala ko dahil marami akong problema,
Hindi lang pala dahil may problema ako,
Ang alam ko umiiyak rin ako
Sapagkat sa kabila ng lahat ng problema ko,
Andiyan ang Panginoon sa Buhay ko.
At yun ang lubos na ikinagagalak ng puso ko.
PS. Ang malayang tula na ito ay gawang imahinasyon, pero literal na umiiyak ako habang isinusulat ito... Sa mga may pinagdaraanan ngayon, Kaya natin ito. Kapit lang kay Kristo.
-Yung lumalaban ka kahit ano pang hamon ng buhay sayo, lumalaban ka kasi alam **** kasama mo ang Diyos at di ka Niya pababayaan, Kapit lang, manampalataya ka lang, walang sukuan.