Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Aug 2019
Muling hahanapin ang ningning ng bituin
At ipapanalangin sa langit
Na sana'y may gintong rosas
Sa likod ng kulimlim

At may katiwasayan sa alapaap
Para doon humimpil
Ang mga pagod na bagwis,
Ang hangarin na pinagbubuntunan ng pag asa

Nanaisin na mamahinga sa disyerto
Kaysa lumanghap ng samyo
Ng mga dawag
Sa paraiso sa ibabaw ng lupa

Kung may araw na sisikat
Sa silangang kong mahal
Kapag nang aakit na ang yaong liwanag
Tatalikod at magtatago

Sapagkat madaling mabulag sa kanyang kasikatan,
Mahumaling sa kanyang kariktan
Maglulumbay din sa wakas

Kung saan ililihim ang kapanglawan
At titiisin ang kahapdian
Kung mabanayad na ang pakiramdam
Ay dadalawin naman ng kahapisan

Talastas ng mga mata
Ang anyong nakikita
Ngunit di matatarok
Parang ang kati ng lawang malinaw

Susuungin ang daloy ng ilog
O magpatangay sa alon
Ang buhay na pinag iingat ingatan
Ay nililisan ng katatagan

Kaya ang bawat pag ngiti
May luhang sinusukli
Ang kaginhawaan may pawis na pinupuhunan

Sinasagap ng paningin
At ng nasa ang pagpahinuhod ng
Sandali
Sa kapalaran na pinaglilikatan ng mabuting halimuyak

Maglalakad na tangan ang lumbay
Tungo sa lugar na pinagmulan
Sa alabok babalik
Ang hiningahang buhay

Di na lilingon at mag alalala
Sana'y di na mabubuwal sa pag alis
Sa maluwalhating pagsalubong ng hangin
Mananahan sa likod ng mga ulap
Shiela Luna Jan 2016
Kung magiging tayo?
Oo, ipagmamalaki ko
Na ikaw ang unang tao
Na minahal ko.

At ipapanalangin ko,
Na  kahit ano mang mangyari sa mundo
Ikaw na din sana ang huli ko.

Pag dumating man ang panahon
na tayo'y susubukin,
Kasakitan,kalumbayan, kabiguan man
tayo'y dadalawin,

Aking pangako na
kahit kailan di ako bibitiw
Basta't ipangako mo din na pagibig mo saki'y di magmamaliw.
kingjay Dec 2018
Ang ilog ay salamin ng itinagong kasalanan
na ngayon ay naniningil
Hindi umiimik ito sa pagdaloy
Kahit sa linaw ay nagpalahaw

Tahakin ang landas ng pagkapoot
Ituring kaaway ang kinabukasan
Ang saplot ng nakalipas ay isuot
Ang kasalukuyan ay kalunos-lunos

Birheng rosas ay huwag pitasin
Sa matutulis na tinik nito'y alamin
Na ang kaakit-akit sa plorera ay
ito rin ang mabagsik

Ang nalalantang talulot
Matamlay na tangkay ay namamaluktot
Ang ligaya ay sa isang bahagi lang
Nilalamon ng kalumbayan

Sa ikatlo ng buwan
Gasuklay na hugis ay kakaiba
Habang ang kanluran na binabagtas
ay may alay na pansamantalang kaginhawaan

Itawag sa mga buwitre
ang Kasukdulan, Pamamaalam
Walang hangin sa baga
nilubos-lubos pa
Sinipsip ang buhay hanggang sa lumisan

Kukuyugin ng uod
Lalasapin nang pagkalugod
Tatabunan ng lupa
magsilbing pataba nang dadalawin
minsan ng mga bulaklak
KRRW Dec 2017
Dadalawin kita
sa iyong guni-guni

Aapihin kita
sa lahat ng sandali

Nanamnamin ko
ang lahat ng 'yong pighati

Igagapos ka
umaga, araw at gabi

Lagi mo na akong kasama
sa 'yong tabi

Oras mo sa mundo
ngayo'y nagmamadali.
Written
02 August 2017


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.

— The End —