Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
RLF RN Nov 2015
Ilang taon na ang nakalipas
ng huli kong masilayan
ang haplos ng pag-asa.
Ang paghangad na makapiling ka,
na siyang nabaon lamang
sa alikabok ng kahapon.

Halintulad sa isang bangungot,
ang sakit at pait na kanyang dinulot.
Kahit anung pagsusumidhing magising
ang gawin, hindi matanggal-tanggal
ang sakit at bakas ng pag-asang
paulit-ulit na binigo.

Sa mataimtim na panalangin,
sinubukan kong idaan.
Huwag lamang bumitiw
sa pangakong dala ng pag-asa.
Sa bandang huli, subalit
akin ring napagtanto,
mga naturing na panalangin,
para bang mga salita,
na isinambit lamang sa alapaap,
hindi dinidinig ng nasa Itaas.

Kaya't ako'y sumusuko na.
Tama na. Sukdulan na
ang pighati ng aking puso
na umaapaw sa kirot,
na nagdurugo dahil
sa ipinagkait na pag-asa.

Parang isang pilas na papel,
na sinulatan at minarkahan
para lamang lukutin, itapon, at
nagmistulang balewala --
walang isinulat at hindi sinulatan.
Krezeyyyy Nov 2016
Ayan! Siya pala yung taong
Minahal ko
(At patuloy ko pang minamahal)
Oo, nakakalula yung tingin at ngiti nya
At kung marinig mo man ang mga tawa niya
Naku! Gagawin mo ang lahat para
Marinig at marinig at marinig at marinig
Paulit-ulit ulit-ulit at hindi mo pagsasawaan
Ang mga tawa niya.

Siya pala yun
Yung kaya kong gawin lahat
Ipaglaban hanggang sa dulo
Noon, walang kasiguraduhan
Yung pinagagagawa ko sa buhay
Hanggang siya..
Dumating nga siya’t lahat ng bagay
Ay may kabuluhan
Ang mga araw ay naging
Mas maaraw
Nakikisayaw na rin ako sa mga
Ulan sa hapon
At sa gabi
Di alintana ang lamig sa init ng mga yakap
Kapag yumayakap
Sa bawa’t sandali.

Siya nga yun
Yung nakiusap na bumitiw at bitawan
Mga kamay na hindi ko pa nga
Nahawakan
Mga ngiting hanggang sa litrato na lamang
Mga salita ng pag-ibig
Na hindi pa naipaglaban
Pero bumitaw na siya
At naki-usap ako’y bumitaw na.

Siya yun
Yung kaya kong gawin lahat
At ngayon ay paulit-ulit kong
Binibitawan
Sa puso at isipan
Kung kaya ko siyang ipaglaban
Siguro (sana naman)
Kaya ko din siyang bitawan.
PairedCastle Sep 2016
Hahayaan na lang ba na balewalain ang aking pagsinta?
Hahayaan na lang ba na ako ay tuluyang madapa?
Paulit-ulit mo man akong saktan
Hindi ko pa kaya na ako ay lumisan

Kung ako ay sadyang hindi na mahal
Kung sadyang hindi mo kayang samahan
Sana ay sabihin mo sa akin ng harapan
Upang masaktan man ay mula sa iyo ang katotohanan

Kahit madalas ay ipakita mo ang tunay na nadarama
Kahit madalas ay nararamdaman kong ayaw mo na
Kahit madalas na alam kong napipilitan ka na
Pinipilit kong huwag bumitiw sa iyo, sinta

Hindi ako bibitiw hangga’t hindi mo sabihing tama na
Hindi ako titigil hangga’t hindi mo sabihing ayaw mo na
Kung nais mo ay huwag na ako makita
Sabihin mo lang sinta, ako ay aalis na
August 31, 2016
Eloisa Oct 2019
Hawak-kamay, sabay na tinahak ang makinang na dalampasigan
Patuloy sa paghakbang at paghila sa animo'y hindi dumarampi sa buhanging mga talampakan
Mga palad na magkayakap, mga daliring magkaniig
Dalawang pares ng matang nakangiti na ayaw bumitiw sa pagtitig
Kasabay ng umaawit at mabining pagaspas ng alon
Sumakay sa bangka patungo sa paraiso'y masayang sumagwan
Subalit sa masayang paglalakbay ay may humulagpos na unos
Paligid ay nilamon ng dilim, dumaan sa langit ang kislap ng talim
Bangkang sabay na sinasagwan, tumaob at tinangay ng agos
Sa gitna ng laot, sabay ding nilamon ng dagat at sa ilalim bumulusok
Patuloy ang delubyong pilit na pinaghihiwalay ang magkahugpong na kamay
Pilit pa ring lumangoy at magkasamang sumampa sa bangkang gutay-gutay
Niyakap nang mahigpit ang kilalang bisig kahit nakapikit
Hindi man mapigil ang higanteng alon at malakas na buhos ng ulan
Nangangatal, nangangalay man ay hindi huminto sa pagsagwan
Muntik mang malunod sa sigalot na mainam na nakaungos
Kumalma ang dagat, natawid ng gabi ang umaga sa gitna ng digma at unos
Mula sa dalampasigan, sa laot at sa dulo ng mga puso
Mamamayani ang pag-ibig sa malawak at mapanghamong mundo
~ I hope to translate this piece to English.
Rem Oct 2018
Naaalala ko pa
ang sandaling
sinigaw mo sa mundo
pagmamahalan ay kailanman
di magbabago
Sabay hawak sa aking mga kamay
Habang nanonood sa paglubog ng araw
sa Pagsapit ng dilim
patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit
at hindi bumibitiw
Sa gabing mga bituin ay nagniningning
na kayang kaya kong ikumpara
sa iyong mga ngiti
na kailanman di mo pinakita sa kanila
na tanging akin lamang
at hindi maaagaw ng iba

Naaalala ko pa
Ang mga pangakong
narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana
na tanging kamatayan lamang
ang makakapaghiwalay sa ating dalawa
at nakita mo ang mga tumutulo kong luha
na labis na di makapaniwala
na ang babaeng nasa harap ko
ang babaeng mahal ko
ang babaeng hinintay ko
ang babaeng pinangarap ko
ay ang babaeng pakakasalan ko


Maaalala mo pa kaya
kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo
na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago
kahit wala na ang kamay
na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit
kung bakit bumitiw
mga gabing dadaan
na magpapaalala sa iyong ngiti
kung gaano kahapdi
at kung gaano kasakit
na ang babaeng mahal ko
ang babaeng hinintay ko
Ang babaeng pinangarap ko
Ang babaeng nangako
at sumigaw sa mundo
Na ang pag ibig natin ay walang hanggan
pero bakit andito tayo sa dulo
mararamdaman mo
ang kaba at lungkot sa puso ko
ang isip kong di magkandaugaga
kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama
simula sa unang pagkikita
sa pagsambit ng mahal kita
At mamahalin kita
kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta
Bakit sa nakaraan pilit parin kumakapit kahit alam **** sa sya ay matagal ng sa iba nakakapit.
Bakit kahit alam **** iniwan kana at sa iba kumapit ay patuloy ka parin umaasa na sya'y sayo ay babalik.
bakit umaasa ka pang sa sya'y babalik kahit alam **** sa iba na sya kapit na kapit.
bakit kahit alam **** sa iba na sya kapit na kapit patuloy ka parin sa pag asam na sya doon ay bibitaw at sayo ulit ay babalik.
Bakit patuloy parin binabalik yung mga bagay na sayo ay patuloy lang nanakit,kung meron naman taong ni minsan hindi sayo mananakit.
bakit hindi mo subukan sa iba nman kumapit baka sakaling sa piling nya ay hindi na makaramdam ng sakit.
at bakit hindi mo subukan bumitiw at ang nakaraan ay kalimutan ,baka sakaling sa pag harap mo sa kasalukuyan don mo matagpuan yung isang taong d ka iiwan at hindi magagawang sa iba ay kumapit.

— The End —