Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
032317

Sinubukan kong intindihin
ang bawat salitang sinasabi mo
Hinabi gamit ang iba't ibang lenggwaheng
Bago lang sa paningin at pandinig ko.

Natakot ako pagkat hindi ko maintindihan
At dumating na nga sa puntong
hindi na  rin kita maintindihan.
Kaya sumubok akong humanap ng ibang kahulugan
Nagbaka sakaling sa "doon"
ay may mapupuntahan.

Pero mali pala yung takot
na namuo saking pagkatao.
Lahat ng sabi kong iintindihin ko'y
bigla na ring naglaho.
Lumapit ako sayo
pagkat kinakain ako ng emosyon ko,
Ng takot, duda at kakulangan sa tiwala sayo.

Sinambit mo sa aking tumigil na ako --
Sa pag-aalala sa mga bagay
na ikaw mismo ang aareglo.
Dagdag mo pa'y ikaw ang aakay
sa mga walang katapusang kahinaan ko
At doon ako natutong:
wag ka nang ipilit ang kakayahan ko.

Nilinis mo ako at ginawa mo pa ring bago
At sabi mo pa nga'y aabahin mo ako
Hanggang sa makarating tayo sa simulang dulo.
Ama, sa aking pagpapasakop,
Pwede bang yung buong ako
Yung yakapin **** may pagkalinga?

Napagod na kasi akong mag-isa
Gusto ko nang sumilong --
Sumilong sa tangi **** presensya.
Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.  - Juan 13:7
Jose Carlito May 2020
Matagal nang nagsimula
at patuloy na umiiral
Ang ating matinik na pakikipamuhay
sa ating bayan

Palagiang nasasadlak
sa karalitaan
Ang dugo ng kabataan,
alay sa kasarinlan

Tayong mga bulag,
sa siyensiya at kapalaran
Sa pagmartsa ng kalabang
hindi natatanaw

Naulit ang kasaysayang
may isang kurso at galaw
Bala para kay tatay
ang anak ang namatay

Bumagsak ang ekonomiya
Lumambitin sa aming mga leeg
Iniasa ang pagtaas
sa aming mga bisig

Habang si Alejandrino
dumarami't nagbubuntis
Ang batang henerasyon
Patuloy na nililitis

Kung ganun,
Huwag ninyo kaming pababayaan,
Paglustayan, paghirapan
At pakikinabangan

Sa gayong mga pumalya at matatanda
Ay may aakay
Walang huhugot sa Inang bayan-
Kundi kaniyang kabataan
Inspired from the Filipino Movies: Heneral Luna, and Goyo: The Boy General
Matias Feb 2019
Pinili kong piliin ka
Kahit alam kong pumipili ka ng iba
Pinili kong piliin ka
Kahit alam kong may mas higit kaysa sa akin sinta
Pinili kong piliin ka
Kahit alam kong ako’y nilalaro na
Pinili kong piliin ka
Kahit sobrang sakit na
Minsan inaakala natin na sa bawat paghinto
Ay merong mag-aakay sa atin papalayo
Papalayo kung saan tayo nakatayo
Minsan inaakala natin na sa bawat jeep na hihinto
ay tayo agad ang dahilan nito
Minsan may kumakaway sa harap natin
Pero yung kaway na yun ay para pala sa taong nasa likod natin
Mahirap umasa, ayoko na ng akala
Ayoko ng umasa, at mas mahirap akalain
ang akala mo ay may kayo na.
Pwede kang mangarap, pero mahirap
Pwede ka niyang maging kaibigan
Pero hindi pwedeng maging kayo
Pinili kong piliin ang minsang inaakala kong pwede.
Pinili kita
Sana piliin mo din naman ako

— The End —