Habang ako'y kumakanta,
iniisip kita,
Dahil awit ko'y ikaw lamang laman,
simula noon pa man.
Noon, kanta ko'y palaging may buhay.
Ngayong wala ka na ito'y binawian ng buhay.
Bakit kasi kailangan tayo'y maghiwalay?
Puso ko ngayo'y nagdurugo,
Pero wala naman akong magagawa,
Dahil siguro, ito'y tinadhana